05
The next day ay pinuntahan ni Allyrissa ang bahay ni Lita pero ang sabi wala na raw tao. Umiiyak siyang naglalakad paalis. Naiinis siya kay Lita at confused siya kung bakit ganon ganoon lang siyang iniwan ng bestfriend niya.Nag blur na ang paningin niya dahil sa luha niya. Hindi niya napansin na may hump pala kaya na trip siya at bumagsak.
Hindi pa siya tumayo at nagpatuloy sa pagiyak, hanggang sa may isang lalaking nilapitan siya.
"Aigo! Aigo! Itong dalawang piso oh, bumili ka ng pandesal."
Agad itinaas ni Allyrissa ang ulo niya to see who it was. "Hindi ako pulubi noh!" Kunot noong sigaw ni Allyrissa saka siya tumayo at inayos ang sarili.
Nag smile si Veniscio, mataray pala ang babae. Akala niya talaga pulubi eh. Mahilig kasi siya mamigay sa mga ganon. Atsaka kasi ang sout nito naka longsleeve na butas. Hindi niya tuloy malaman kung style iyon oh ano.
"Pasensya kana magandang dilag, kala ko talaga pulubi ka! Next time kasi huwag kang sa pavement mag emote!"
"Paki mo ba?" Inirapan ni Allyrissa si Veniscio. "Nawalan ako ng kaibigan! Masakit maiwan... lalo na kapag hindi ka binigyan ng rason kung bakit ka iniwan!"
Napakamot ng ulo niya si Veniscio. "Grabe ka naman! Ika nga nila, when someone leaves uhm... ganito nalang! Pag may umalis panigurado may darating din!"
Tiningnan ni Allyrissa ng masama si Veniscio. Palibhasa hindi nararanasan ng singkit matang taong to ang nararanasan niya.
"Libre nalang kitang ice cream!" Alok ni Veniscio. Pero biglang umiyak ng malakas si Allyrissa na ikinataranta niya.
"Ice cream ang kinain namin kahapon!" Sigaw ni Allyrissa. Para na tuloy siyang batang hindi binilhan ng laruan.
"Puta na! Uhmm... ano ba kasi gusto mo? Napadaan lang ako dito! Diyos ko Lord!" Sigaw na rin ni Veniscio dahil sa panic niya. Pero hindi tumahan si Allyrissa at nakakakuha na sila ng attention.
"Wah! Ang nanay namin at papabells iniwan kami! Huhuhuh nanay! Tatay gusto namin ng tinapay!" Ginaya nalang ni Veniscio si Allyrissa na umiiyak. Para na tuloy silang dalawang baliw.
Then narinig ni Veniscio na tumawa si Allyrissa kaya itinigil niya na ang pagsisigaw.
"Baliw po kami! Huwag niyo kaming intindihin!Sige daan lang kayo," sabi ni Veniscio sa mga taong napatingin sa kanila.
Mas lalong natawa doon si Allyrissa. "Baliw kang singkit mata ka!" Sniffs "Allyrissa nga pala," pakilala ni Allyrissa sa sarili.
"Venis- yow!" Pakilala ni Veniscio.
Nag iba ang mukha ni Allyrissa. "Seryoso? Yan ang pangalan mo?"
"Ang ganda noh? Nanay ko nagpangalan niyan!" Proud na sabi ni Veniscio.
Tumawa ng sobrang lakas si Allyrissa. "Ang panget! Parang I'm finnish yow!"
"Ha-ha-ha nakakatawa!" Sarcastic na sabi ni Veniscio. "Maganda pangalan ko! Unique!"
Naging tahimik sila saglit then tumawa sa nagyari kani-kanina lang.
"Friends?" Pareho nilang tanong at pareho din silang ngumise pagkatapos nilang masabi iyon. Pati utak nila eh, in sync.
Napag-desisyonan nila na mag hang out sa mall. They talk about mga things about them and they're classmates pa talaga.
"Bakit hindi mo ako napapansin?" Taning ni Allyrissa atsaka nag sip sa kanyang drink.
"Bakit? Sikat ka ba ha para pansinin?" Pilisopong tanong ni Veniscio kaya nakatanggap siya ng sapak.
"Joke lang eh! Ito naman hindi na mabiro. Pero ano... wait, ikaw ba iyong pinapalabas palagi?" Na shock si Veniscio sa kanyang na alala. Oo nga pala, ito nga pala ang babaeng iyon.
"Uhuh, ako nga iyon. Atsaka hindi naman palage... minsan lang."
Napansin ni Veniscio na medyo sad ang pagsagot ni Allyrissa. "Hatid na kita? May klase pa tayo mamayang mga 2:45."
"Makasabi ng 'hatid kita' parang may kotse hahaha" pangiinis ni Allyrissa.
"Sus! Sa sakayan lang eh! Hindi ko sinabi sa bahay mo! Ikaw ang feeler sa ating dalawa! Halika na nga!"
Hinatak ni Veniscio si Allyrissa palabas sa mall. Doon sila sa sakayan ng jeep. Hinintay niya muna na makaalis ang jeep na sinasakyan ni Allyrissa. "Hoy pulubi! Mamaya sa class room tabi tayo!" Pahabol na sigaw niya at nag wave.
Yumuko nalang si Allyrissa, nakakahiya ang bago niyang kaibigan pero natutuwa siya dito. Napangite nalang siya. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman niya.
Nang makita ni Veniscio na nakaalis na ang jeep na sinasakyan ni Allyrissa ay sumakay na siya ng tricycle.
***
Sa gate ng school ay hinintay ni Michael si Allyrissa. Gusto niya itong maka-usap tungkol sa nakita niya. It was Allyrissa at Lita, nakita niya silang dalawa na nagkiss kaya feeling niya dapat niya malaman kung straight ba si Allyrissa or Gay.Then sa wakas ay dumating na din ito. Agad siyang lumapit dito at hinatak niya papuntang isang corner.
"Uy, bakit?" Tanong ni Allyrissa nang bitawan na siya ni Michael.
"Tell me the truth. Are you gay, straight or bi?" Diretsong tanong ni Michael na ikinagulat ni Allyrissa.
"Kahapon pa kita sinagot ah. Straight ako Michael," sagot ni Allyrissa. Pero hindi kumbinsido si Michael.
Nag face palm siya at muling ibinalik ang sight kay Allyrissa. "Nakita kita kahapon. You and Lita, kissed at the ice cream shop. So is she gay or you?"
Napatakip ng bibig niya si Allyrissa. Nakakahiyang nakita ni Michael and now akala na ng crush niya na lesbian siya. Parang mahihimatay na yata siya.
"No, hindi ako lesbian! Hindi ko rin alam kung bakit niya ako hinalikan. Baka hindi niya lang sinasadya eh... nadala lang siguro si Lita dahil aalis na siya," paliwanag ni Allyrissa. Pero wait, bakit parang interested yata si crush sa kanya?
"I don't think na totoo ang sinasabi mo. Hindi naman ako mag jjudge kung lesbian or bisexual ka. Those are normal these da--"
Hindi napigilan ni Allyrissa at hinalikan niya si Michael. Shit, siya na marupok. Nang marealize niya ang ginawa niya ay agad niyang inilayo ang sarili niya. Nagpanic siya at hindi alam ang gagawin kaya tumakbo nalang siya ng sobrang bilis.
Naiwan si Michael doon na naka grin. He liked it na hinalikan siya ng babaeng crush niya. "She really is straight," bulong ni Michael, hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
If We Never Last
RomanceNang mag-crush back ang crush ni Allyrissa ay agad-agad niya itong sinagot. Dahil ang atat niya sa pag-ibig ay naniwala naman siya sa magagandang salita ng lalaki. In the end ay sinaktan lang pala siya nito. Moving on was hard, but what if the guy w...