Chapter 6

6.9K 187 4
                                    

Hi Partner!

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng hospital room kung saan ipinasok si Gray kanina.

Lumabas doon ang isang poging doctor na mukhang kamag-anak rin nila Gray. Kasunod niya ang dalawang lalaking nagdala sa amin dito. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang dalawa. Base sa suot ay mukhang mga body guard ito ng mga Montellor.

"Ikaw yung kaibigan ni Sir Gray diba?" Tanong nung isa nang makalapit sa akin.

Nanlaki ang mata ko. Anong gagawin nila sakin? Ayokong makulong! Hindi ko naman sinasadya!

"Classmate." Pagtatama ko.

Tumango ito at binuksan ang pinto ng kwarto kung saan sila galing kanina. May sinabi siya bago ko narinig ang pagsasalita ni Gray.

"Let her in." Aniya. Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.

The guy opened the door wider and then smiled as he motioned to get inside. I sheepishly smiled back and walked in.

Naabutan ko si Gray na nakaupo sa kama at hinihimas ang kaliwang braso na mukhang tinurukan ng kung ano mang gamot kanina.

Tumingin siya sa direksyon ko kaya nakita ko ang pagdilim ng paningin niya. Bigla kong nahigit ang aking hininga at bahagyang napaatras.

"What are you doing in my office earlier?" Biglang tanong nito. Hindi ko alam kung galit ba ito o ano. Typical Gray na mahirap basahin.

Bigla akong naumid. I don't know what to answer. Aamin ba ako o magpapalusot? Ano ba kasi ang nangyari sa kanya?

"Were you the one who brought that fucki– spider I found on my table?!" Ngayon ay sigurado na akong galit ito. Ngayon ko lang rin siya nakitang magalit.

Nang mapansin niyang nagbibigay ng damdamin at reaksyon ang mukha niya ay bigla niyang kinalma ang sarili at umiwas ng tingin.

Ilang segundo lang ang lumipas ay tumingin siyang muli sa akin. Wala ng anumang bakas ng emosyon sa mukha nito.

I cleared my throat and took a deep breath. "Sorry. Hindi ko naman sinasad–"

"I'm so sure you won't have that confidence to talk when you knew that you almost killed me." He said.

I was taken aback for the nth time. I don't see any feeling on him but his voice resonates bare and vivid emotions.

I look at him observantly.

Paunti-unti ay nakikilala ko si Gray. Now, I had discovered one thing about him. He don't let you see his emotions, rather he will let you feel it. He don't talk, but his heart does. He is truly the Cold Prince, so cold yet so warm.

"I'm sorry." I said guiltily. Palabas na ako nang muli siyang nagsalita.

"Can you do me a favor?"

Umikot ako at ngumiti ng malaki. Hinintay ko pa siya ng ilang segundo bago siya muling nagsalita.

"Would you stop pestering me?"

Nabura ang ngiti sa labi ko at tila ba naalis ang kompyansa sa aking katawan. Hinintay ko ang isang 'Joke!' na ipapahabol nito pero hindi nga pala siya marunong ng ganon.

Hanggang sa pagpasok ko sa sumunod na araw ay iyon ang iniisip ko. Did I really crossed the line? I only wanted to help him. I only want him to open up a little.

But why am I really doing this? I shrugged.

I smiled widely. I will still continue to tame Gray. You don't need to have a reason to help anyone. This is the Amber that I know. Fighting!

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon