Babe
"Medyo matarik na banda rito, mag-ingat lamang kayo ng kaunti." Anunsyo ni Nanay Josie pagkaraan ng ilang minuto naming pag-akyat ng bundok. Pagdating ngayong hapon ay umakyat nga kami para mag-ani ng ube.
"Malapit na tayo." Dugtong ni Nanay Josie.
Huminga ako ng malalim. Itinungkod ko ang hawak kong mahabang patpat ng kawayan at hinila ang nangangalay kong mga paa.
Hindi ko alam kung anong depenisyon ni Nanay Josie ng malapit dahil sinabi niya ring malapit na kami 30 minuto na ang nakakaraan.
Nawala ang atensyon ko sa dinaraanan namin kaya hindi ko napansin ang nakausling ugat ng puno roon.
"Aray." Daing ko nang tumama ang tuhod ko sa lupa. Mabuti na lamang at may hawak akong tungkod kaya hindi ako sumubsob.
Natigil sa paglalakad ang mga kasama ko.
"Amber, are you alright?" / "Okay ka lang?"
Sabay na tanong ni Gray at ni Joshua sa akin. Masamang tiningnan ni Gray si Joshua, samantalang ang isa naman ay nginisihan lamang ang huli.
Nagtitigan ng masama ang dalawang bungol.
Umirap ako sabay tayo. Naramdaman ko ang pagkirot ng tuhod ko pero hindi ko na hihintayin pang magtigil ang dalawa at tulungan ako.
"Ayos ka lang Amber?" Nag-aalang tanong ni Nanay Josie. Lumapit siya sa akin.
Ngumiti ako at tumango. "Ayos lang ho."
"Are you sure Amber? I can carry you." Alok ni Gray sa akin.
I am a bit overwhelmed. Gray, the dashing cold prince is offering me a back ride?
"I'm okay. I still can–"
Hindi ko alam kung paano nagawa ni Gray na bumaba sa harap ko at hilain ang aking kamay ng ganoon kabilis. Pero hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay naramdaman ko na ang pagbagsak ko sa likod niya.
"Kahit man kaya mo pang maglakad o hindi, I won't let you walk now knowing you might've fractured your knee."
My heart skip a beat as my cheeks warmed. I never expected Gray to be this thoughtful and ... sweet.
Pero ang ilang na nararamdaman ko ay hindi nakatulong para mapirmi ako sa likod nito. Sinubukan kong kumawag para makaalis sa buhat niya pero mas hinigpitan niya lamang ang hawak sa akin.
"You'll stop or I will grab your butt?" Banta nito sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at biglang natigil. Wala akong ibang nagawa kundi ang kumapit ng mas mahigpit sa leeg niya na para bang nakadepende ang buhay ko roon.
Dahil sa lapit ay naaamoy ko ang panlalaking pabango nito. Hindi ko malaman kung bakit kahit pinagpapawisan ay mabango parin siya. Ramdam na ramdam ko rin ang katawan ni Gray at ang bawat paggalaw ng kalamnan nito sa likod.
I mentally face-palmed. Why am I so stupid tripping on a tree root and ended up as a blushing mess while having a back ride from Gray?
"Aray." Biglang daing ni Cindy. Ngunit halata mong nagbibiro ito.
Lahat kami ay lumingon sa kanya. Tiningnan rin niya kami, partikular kay Gray at sa kuya niya.
"Sabi ko nga walang tutulong sa akin." Pagsawalang-bahala nito at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, napansin ko ang madalas na pag-iling ni Gray.
"Anong problema mo?" Napagdesyunan kong itanong bago napahalakhak ng mahina. Mukha kasi siyang tanga habang ginagawa iyon.
BINABASA MO ANG
Taming Gray
RomanceMontellor Cousins Series Second Generation Gray. The color between white and black. That's how Amber Faye Arcega define Grayson Xavier Montellor. He was always in the middle. He's the guy in between. Hindi siya kulay puti na kitang-kita ang nararam...