College
"Ambeeer! We miss you!" I heard my friends' squeals as soon as I got off my car.
"Nice car." Tukso nila sa akin habang sinisipat ang kotse sa aking likod.
I only chuckled and look at the red Mazda-6 behind me. This was my dad's gift to me when I graduated from senior high school. It took me the whole summer break to learn how to drive this damn thing.
"Let's go?" I asked them. Tumango ang dalawa at sabay-sabay na kaming pumasok ng Xavier University.
Yas! We three decided to continue and study college in the same university, and today is the scheduled college freshmen orientation.
Hindi gaya noong mga nakaraang taon, pagpasok namin sa main gate ay sa hallway ng college department kami lumiko. Even the uniform that we are wearing is different from before. I smiled. Remembering my SHS memories made me nostalgic.
"Gray." Narinig ko ang boses ng babae mula sa aking likod.
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang hindi ko inaasahan.
Lumingon ako doon kaya nakita ko ang isang senior high student na nakatayo di-kalayuan sa amin.
She waved her hand passed us at someone.
Bumalik ang tingin ko sa aking harapan. Isang lalaking senior high student naman ang naroon.
"Doon ang SHS building." Tawa ng babae sabay turo sa kabilang building. Napakamot ng batok ang lalaki bago ngumiti ng maliit.
Pinanood ko lamang ang lalaki hanggang sa makalapit ito sa babae. Tinungo nila ang kabilang direksyon ng hallway.
"That is so awkward." Mia and Rob said dismissively and continued the track to the school's amphitheater. Unfortunately, the name never slip out of my mind ever again.
Gray.
He is the most beautiful but also the most painful memory I have.
"Please, Amber. I will do everything just to have you again."
I looked at him coldly.
"Everything?" Tanong ko.
Natuod ito sa kinauupuan niya. Siguro ay napagtanto na nito ang susunod kong sasabihin.
He nodded hesitantly.
"I want you to let go, Gray. Please. Let me go." A tear escaped from my eyes.
Iniwas ko ang tingin sa kanya. Lumipas ang ilang minutong walang umimik sa amin. Inaasahan kong tututol siya gaya ng ginagawa niya nitong mga nakaraang araw, pero hindi iyon nangyari. Ilang araw na rin siyang pabalik-balik rito sa bahay simula noong makalabas ako ng ospital.
Naramdaman ko ang pagtayo niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa marating nito ang pinto ng kwarto ko.
Hawak na niya ang doorknob nang bigla siyang lumingon pabalik sa akin.
Umiwas ako ng tingin.
"Hindi ito pagsuko Amber. If I need to get back from the start, then I'll do it." Aniya. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto at muling pagsara nito, senyales na tinupad niya ang hiniling ko.
Sa nalalabing mga araw ng first semester ay nagpatuloy sa home-schooling si Gray. Pagdating naman ng second semester ay puro working immersion na ang ginawa namin. Sinadya kong pumili ng ibang company para hindi kami magkasama ni Gray.
BINABASA MO ANG
Taming Gray
RomanceMontellor Cousins Series Second Generation Gray. The color between white and black. That's how Amber Faye Arcega define Grayson Xavier Montellor. He was always in the middle. He's the guy in between. Hindi siya kulay puti na kitang-kita ang nararam...
