Chapter 34

7.1K 206 27
                                    

I'm Sorry

"So?" Rob look at us suggestively. "To our favorite coffee shop?"

Rob and Mia both shrieked excitedly and started walking down the hall way. Pero iba ang tinahak kong daan.

"Amber. San ka pupunta?"

My friends asked while pointing at the direction of the school's main gate. It was already 4:30 in the afternoon. Most of the students were already out of the campus.

"A-ah. Hindi muna ako sasama. May gagawin pa ako." Saad ko.

Nagkatinginan silang dalawa bago tumingin sa akin. Mia's wearing an expression of concern while Rob did not mask his annoyance. He even rolled his eyes.

"Girl. Huwag mong sabihing makikipagkita ka sa jowa mong mas magaling pa kay invisible-man sa pagtatago?" He crossed his arms.

I did not answer, which enough to confirm their suspicion.

"Hindi pa ba maliwanag sa'yo na ayaw ka niyang makausap Amber? I did not know the whole story but as you said, he did not contacted you nor did anything to get in touch with you in two weeks now. He even shifted to home-schooling."

Sinubukang pigilan ni Mia si Rob sa pamamagitan ng paghila sa braso nito pero hindi ito nagpatinag.

Habang ako, nakatingin lamang sa kanya, sinasalo ang bawat sampal ng salita nito. Maybe with this, I will finally wake up.

"He's not deserving with all the things that you are doing to save your relationship Amber. That guy is hot as hell, we all know that, but now, I also know that he's a douchebag."

Bago siya tuluyang umalis ay nagsalita muli ito. "As your friend, I am sad to see you hurting Amber. All we wanted is for you to be happy. But the choice was solely in your hands. You knew me Amber, alam mong ako yung tipo na hindi madaling sumuko, pero sa tingin ko, hindi kayang ipaglaban ni Gray ang relasyon niyong dalawa ngayon. Because if he does, he won't doubt he's feelings for you right from the start."

Pinanood ko lamang si Rob na umalis. Ang mga salita niya ay tila mga ulap na lumulutang sa isip ko. Mga ulap na nagbabadyang magbagsak ng ulan para tuluyan akong magising.

Pero mukhang hindi pa ito ang oras. Hindi pa puno ang mga ulap na iyon.

"Mia. Hindi ka na rin ba sasama?" Narinig naming tanong ni Rob nang hindi pa ito tuluyang nakakalayo.

Nag-aalalang bumaling sa akin si Mia.

I look at her and smiled. "Don't worry about me."

She sighed. "It's good to see that you are doing everything to save your relationship, Amber. I admire your maturity. Pero kung hindi na talaga kaya, baka mas mabuting bumitaw nalang. Para hindi na tuluyang madurog ang natitirang pagmamahal para sa sarili mo."

Yumakap siya sa akin bago sumunod kay Rob. Nasulyapan ko pa ang nag-aalalang tingin ni Rob sa akin bago tuluyang tumalikod. I know that they were just concern about me.

But I cannot just let go without doing anything.

I walked to the football field and sat on one of it's benches.

Tiningnan ko ang langit nang marinig ko ang mahinang kulog mula roon.

Sunod ay bumaba ang tingin ko sa suot kong relo. It was already 5 in the afternoon.

Luminga ako sa paligid ngunit wala akong makitang kahit anino ni Gray.

I gulped to sooth the lump forming in my throat. Baka na traffic lang. Oo. Madalas ay traffic kapag ganitong oras. Sampung minuto pa. Alam kong darating siya.

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon