Chapter 10

7.5K 187 21
                                    

Karma

"Anong meron?" Natanong ko sa sarili ko pagpasok ng Xavier IS.

It just felt strange seeing no students loitering around the hallways, though, they were still noisy inside their classrooms.

Pati ang building ng senior high school ay himalang napakaayos ngayon.

Pagpasok ko ng classroom namin ay agad kong tinanong sina Rob at Mia.

"Ang sabi ay mayroon daw accreditation committee na nag-iikot ngayon dito sa campus. I think Xavier International School is leveling up its accreditation status." Mia nonchalantly answered my question.

"Balita ko nga nandyan ang daddy ni Gray ngayon. Girl! I wanna see him. Ang hot din kaya ng daddy niya. Siguro ay heaven ang pakiramdam habang tinitingnan silang pareho." Malanding sabi ni Rob na inikutan ng mata ni Mia.

Ako naman ay hindi mapigilang mapalingon sa aking likod. Wala nga si Gray doon.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa kagustuhang sang-ayunan at samahan si Rob. Hindi para tingnan ang daddy niya pero para makita si Gray mismo. That guy is making me crazy. I can't understand myself anymore.

Am I attracted to him?

Kahit ako ay hindi ko alam ang sagot. Ang alam ko lang ay hanggang sa last period ngayong umaga ay hinihintay ko ang pagpasok niya. Mukhang napansin na rin ni Green ang palagian kong pagsulyap sa bakanteng upuan sa tabi nito.

"Don't worry. I will tell Gray that you are looking for him. I just don't know if that makes him glad or not." Green said while giving me a teasing grin.

My forehead creased to deny the fact. "Who says I am looking for Gray? Never."

He merely shrugged my defense away. "Whatever makes you sleep at night Amber." He leaned forward and wiggled his eyebrow. "Why? Do you miss him?" He teased.

Umirap ako ngunit hindi na nakasagot pabalik dahil nakuha ang atensyon ko ng pagtawag sa akin ni Ms. Rita, ang journalism club adviser namin at ang subject teacher din namin ngayong oras.

"Please make your parent or guardian sign this waver for the inter-school boyband competition this coming weekend. You'll be writing an article on this so I think, you should come as well." Aniya.

Tumango ako at kinuha ang papel na iniaabot niya.

"By the way, prepare spare clothes because we are staying over for one night." Pahabol nitong sabi bago ako makabalik sa upuan ko.

"Nice." Komento ni Green habang malaki ang ngisi sa labi. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil hindi ko alam kung anong iniisip niya.

-

"Nasaan na kaya ang mga accreditors? Minsan ko na ngalang makita sa personal ang daddy ni Gray." Rob nagged after we eat our lunch. Narito parin kami sa cafeteria dahil 30 minutes pa bago mag-umpisa ang klase. Tsaka enjoy na enjoy pa ako sa pagkain ng ice cream ko.

"Hindi ba naninindig ang balahibo mo sa sinasabi mo Rob. Sir Alexander have already a wife and a son. He was your classmate, remember?" Kontra ni Mia sa sinabi niya.

"True." Sang-ayon ko.

"Bakit ba? Eh ang hot parin kaya niya. Tsaka mas gusto ko yun, yung mga daddy types."

Sabay naming nabato ni Mia ng table napkin ang maharot naming kaibigan.

Ngunit hindi na nakareklamo pa ang gaga dahil napilpilan ang bibig nang dumaan sa harap ng cafeteria ang mga bisita ng school. Lumakas ang mga usapan ng mga istudyante dito sa loob.

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon