Chapter 9

6.9K 189 2
                                    

Huli

"Ouch. What the hell. That hurts." Sabay naming reaksyon ni Rob sa pinapanood naming video sa facebook.

"Shh." Puna sa amin ng librarian. Our classes were done but we decided to stay in the library for a while to make a research for our essay in english. Hindi ko pa ginagawa iyon dahil bukod sa alam ko na, madali lang naman gawin. Para san pa na naging editor-in-chief ako. Ang hindi ko sigurado ay kung bakit hindi ginagawa nitong baklita sa tabi ko.

Muling bumalik ang tingin namin sa pinapanood namin.

"What the fuck!" Malakas na sigaw ni Rob dahilan para bumaling sa direksyon namin ang atensyon ng mga tao dito sa loob ng library. Pati na rin ang librarian.

"One more warning and I will let you out of here!" She sternly said with her eyes sticked on the file she was reading.

Lumipad ang palad ni Rob upang takpan ang bibig niya. While Mia raised her eyebrow and gave us her 'I-told-you' look.

Pagkaraan ng ilang segundo ay natuon ang atensyon ko sa cellphone ko nang biglang may nag-notify doon.

Kumunot ang noo ko nang makita ang message request sa messenger ko. Ang ikinabigla ko ay nang mabasang si Gray ang nag-chat.

"Where are you? Meeting for our presentation in your house. Wait me after class. I need to do practice with my band first." Basa ko sa mensahe niya.

Bakit sa bahay na naman?! Tsaka sino siya para utusan ako? Diba dapat doon sa office niya ang meeting namin ngayon?

Tiningnan ko ang wrist watch ko kaya nakita kong 5:35 na ng hapon. Karaniwan ay thirty minutes lang ang practice nila. Siguro naman ay uuwi na yun kapag hindi niya ako nahanap.

"Hindi ka pa uuwi Amber?" Tanong ni Mia. Nakatayo na silang pareho ni Rob at mukhang paalis na.

Pinigilan ko sila sa pamamagitan ng paghawak sa mga kamay nila.

"Wait. Dito muna tayo." Binigyan ko sila ng isang malaki ngunit pilit na ngiti.

Sabay na nagtaas ng kilay ang dalawa at mukhang hinihintay ang dahilan ko.

"Gagawin ko pa yung essay sa english." Saad ko.

"Kanina pa kayo nanonood ng video ni Rob tapos ngayon mo pa naisipang gawin? Ngayong pauwi na tayo." Komento at tanong ni Mia.

"True girl." Sang-ayon ng baklita. Traydor. Kasama ko kaya siyang nanonood kanina.

"Baka kasi antukin na naman ako mamaya. Hehe." Palusot ko.

Mukhang naniwala naman ang dalawa dahil muli silang bumalik sa pagkakaupo.

Ngunit ilang segundo lang ang nakakalipas ay muling nag-vibrate ang cellphone ko. Someone is calling me in my messenger.

Kasabay nun ay ang pagsulyap ng mga istudyante sa labas ng library.

Nakatayo roon si Gray habang hawak ang telepono sa tenga. The front wall of the library was made of glass so we can see the outside from here.

Nakatingin siya sa direksyon namin kaya agad siyang nagtaas ng kilay nang makitang lumingon ako sa kanya.

"Mukhang hindi ka gagawa ng essay, parang may iniiwasan ka." Pasaring ni Mia habang ang mga tingin ay nasa harap parin ng library.

Hindi ko siya pinansin. Inilabas ko ang notebook ko at pakunwaring nagsulat.

Ilang sandali pa ay narinig kong lumakas ang mga bulungan ng istudyante, ngunit nanatiling sa papel ang tingin ko. Rinig ko rin ang ilang kinikilig na tawa mula sa iba. Maharot.

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon