Kiss
"I really love this art presentation kyemerut." Narinig kong sabi ni Rob sa tabi ko.
"At bakit? Mag-make-up lang yata ang alam mo sa arts." Tanong at insulto ni Mia.
"Duh. Gurl! Partner kaya kami ni Green. Hotness!" Malanding sagot ni Rob at parang nagdeliryo na sa upuan.
Napunta ang atensyon namin sa dalawang lalaking pumasok sa pinto, ang magpinsang Green at Gray. They made a high-five with Sky who immediately walk away to his class.
Kinalabit ako ni Mia dahilan para matuon muli ang atensyon ko sa kanya. "Oh ikaw babae? Mukhang naaayon din sayo ang presentation na to ah?"
"Not really." I answered.
Nagkatinginan silang dalawa ni Rob sabay taas ng kilay sa akin. "Himalaaa." They both sang.
"What happened Amber gurl? Hindi mo na ba itutuloy ang Operation: Taming Gray mo?" Pang-uuyam ni Rob.
"Did I hear my name?" Tumingin ako sa lalaking nasa likod ko. Nakaupo na ang dalawa sa mga upuan nila at nakaharap sa amin.
Ngumiti ako ng pilit. "Siya nagsabi, hindi ako." Turo ko kay Rob.
Tumaas ang kilay ni Gray at hindi na ako pinansin.
Napa-igtad ako nang bigla akong sundutin ni Rob sa tagiliran. "Ikaw ha! Mukhang naaakit mo na yang si 'oh so yummy' Gray. Dati hindi yan namamansin. Big catch." Tukso nito.
May kakaiba nga sa mga galaw niyang si Gray. Malabong nakukuha ko ang loob niya. Mayroon siyang plinaplano na hindi ko alam. Kailangan kong nalaman iyon.
Hanggang sa pag-uwi ay iyon ang iniisip ko. Ano kayang nasa isip ng lalaking iyon? Matutulad ba ako sa ibang istudyante noon? Anong gagawin niya sa akin? Ipapa-suspend? Ipapa-expell?
-
"Amber. You are zooming out again." Natatawang sabi ni mommy. "Bakit kasi hindi ka pa dumiretso umuwi? Wala ka rin namang ginagawa dito sa office ko." Dugtong niya.
Ibinaon ko ang sarili sa couch na inuupuan ko. Komportable naman ako dito.
"Wala rin naman akong ginagawa sa bahay. Wala rin naman akong kasama doon. Lagi nalang ako mag-isa sa bahay." Sagot ko sa mababang boses. Hindi iyon narinig ni mom dahil abala ito sa kung anong kinukuha sa book shelf niya.
Simula bata ay iyon na lamang ang nakasanayan ko. My dad is over seas. My mom is working. I have no sibling to talk with. I was always left alone in our house. And I have no choice but to adapt with how our situation is going on.
Lumingon ako sa may pinto nang makarinig ng pagtikhim. Nakita ko roon si Gray kaya agad na nanlaki ang mata ko.
Narinig ba niya ang sinabi ko?
"Good afternoon Mrs. Arcega. I already reviewed this report from last month. Is this the only thing that dad asked me to do?"
Mukhang hindi naman.
"Oo Gray, yan lang." My mom look at him and smiled.
"Great. May I borrow Amber now? We will just talk about our art presentation." Ani Gray.
"Bakit hindi nasasabi ni Amber na may group project kayo?" Asked mom and then looked at me.
Tumingin muli siya kay Gray. "Sige. Wala rin namang ginagawa yang batang yan dito."
Nahulog ang panga ko kasabay ng pag-ngising aso ni Gray. Ano ako, gamit lang na hinihiram?
"Amber is good in painting. You should consider it for your presentation. May tatlo ngang painting yan sa living room nami–" nagdadaras akong lumapit kay mommy at tinakpan ang bibig niya.
BINABASA MO ANG
Taming Gray
RomanceMontellor Cousins Series Second Generation Gray. The color between white and black. That's how Amber Faye Arcega define Grayson Xavier Montellor. He was always in the middle. He's the guy in between. Hindi siya kulay puti na kitang-kita ang nararam...
