Chapter 20

7.3K 177 8
                                    

Stop It

"Hoy bakla! Paki-explain nga yung kanina ha?" Biglang sabi ni Rob sabay hila sa ilang hibla ng buhok ko. I glared at him.

We step out of the cafeteria while the Montellors are walking ahead of us.

"Explain what?" Kunot-noo kong tanong dito.

Tumingin muna sina Rob at Mia sa magpipinsan bago mahinang nagsalita.

"Helping you get the right nutrients?" It was Rob.

"Gusto mo subuan kita?" Said Mia.

Inintindi ko muna sandali ang mga sinasabi nila. Nang mahinuha ay namutla ang mukha ko. Litanya ni Gray ang lahat ng iyon kanina. Gayunpaman, agad akong nag-isip ng dahilan para hindi sila magduda.

"Ewan ko din dun. Mukhang gumaganti sa panggugulo ko sa kanya." Kalmado ang boses ko pero palihim akong nagdadasal na sana ay maniwala sila sa sinabi ko. Mygosh! Kapag nalaman nilang 'nanliligaw' sa akin si Gray, kung totoo man, maniniwala silang may gusto sa akin yung tao. Ayokong gumawa ng long sweet message sa ungas na yun. Ano naman sanang sasabihin ko sa kanya. Paniguradong mapapaamin ako ng wala sa oras kapag nagkataong panalo ang dalawang to.

Hindi ko naman kasi aakalaing magkakagusto sa akin ang siraulo kaya pumayag ako sa dare nila. It was nearly impossible for him to like me, if you would think of it. Kaya nga hindi parin ako naniniwala eh.

Parehong nanliit ang mga mata nila sa akin.

"Sigurado ka? We want to remind you that we don't forget the dare our dear friend." Rob and Mia grinned at me.

I smirked and held my head up high. Nagpunta ako sa harap nila at umikot para harapin ang mga ito.

"So do I. Kaya nga dapat mapatunayan niyo nang may gusto sa akin ang lalaking iyon hanggang matapos ang linggong to. Because if not, you two would be my slave for five glorious days." I laughed like an evil witch looking at my bewildered friends.

"Madaya! Hindi iyon ang unang napag-usapan." Reklamo ni Mia.

"Yah." Ayuda ni Rob.

"Eh ang tagal na nun eh. Hanggang ngayon di niyo pa napapatunayan." I smiled confidently. Magpakatino lang talaga yung Gray na yun kahit ngayong linggo lang, di na ako mayayari sa mga kaibigan kong maduga.

"Mapatunayan ang alin?" Biglang sumulpot si Addi sa harap namin. Umikot ako para lingunin siya. Ngayon ay magkakalinya na uli kaming magkakaibigan na napatigil ng paglalakad dahil nakaharang sa daan si Addi.

"Ahh..." Kinapa ko ang mga salita ko upang maghanap ng palusot pero hindi nagana ang utak ko sa mga oras na to. Lumingon ako sa mga kaibigan ko pero natural na yata silang mga traydor kaya tanging mapanundyong ngiti ang binigay nila.

"Well, nevermind." Addi waved her hand in nonchalance. "By the way, my mom called me, and she is inviting you at house after class. Seems like she was captured by your talent in painting." She flashed a bright smile.

I grimaced and looked at my friends who were giving me suspicious stares. Sumunod ay tumingin sila kay Addi.

"Nanliligaw ba ang kuya mo dito kay Amber?" Sabay na tanong ng mga ito.

Nanlaki ang mga mata ko at tumitig kay Addi. Oh gosh! Kahit ngayon lang, pairalin mo muna ang katinuan dyan sa utak mo.

"I don't even know if my brother has a heart. Tapos manligaw pa?" Humalakhak ito bago bumaling uli sa akin. "So? Can mom expect you this afternoon?"

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon