Chapter 38

6.8K 135 21
                                    

Plan

Paglabas namin ng ice cream shop ay agad kong ikinalat ang aking paningin sa harapan ng lugar.

"Where's your car?" I asked the man standing tall beside me.

Nang hindi magsalita ay tiningnan ko siya. But he only smirked at me and started walking.

He stood beside a grey sports motorbike and fished out a set of keys from his pants' pocket.

It took me a moment until I realized that it is what we'll be using.

"I never said that we will be riding my car." He grinned mischievously.

I look at him in disbelief and shook my head successively. "Hindi ako sasakay dyan kasama mo."

I will find him hot riding on that motorbike had it not been the feeling of me wanting to strangle his neck to death. Why is he always unintentionally bragging how rich he is?

Tiningnan niya ako habang nagpipigil ng ngiti. "I'm afraid you have no choice but to ride this with me. Unless you want to walk up to your house." Aniya sabay kalansing ng hawak na susi.

I looked at him sharply. There's no way I will be riding that with him. Ha! Manigas siya.

Tumalikod na ako at handa nang bumalik muli sa mga kasama ko nang bigla kong maramdaman ang paghigit ng isang kamay sa aking pupulsuhan.

"Easy. Easy." Pagpigil niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at tiningnan ang kamay niyang nakahawak pa rin sa aking kamay. Agad niya iyong binitawan nang siguro'y makita ang pagtutol sa mukha ko.

"Let's not make this a big deal Amber. Just let me take you home." He said, almost frustrated.

I stared at him with a bored expression and spoke.

"Lubayan mo ako." Pagtataray ko at muli itong tinalikuran.

Pero agad akong umikot paharap sa kanya nang marinig ang pagsigaw nito.

"I already told you Amber that I found someone else, and I love her!" Aniya at tila nagagalit.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko malaman ang sinasabi ng hinayupak.

Hindi pa ako nakakapag-react ay muli na naman siyang humiyaw. "I never expected you to be this desperate. You are even stalking me up to here." Muli niyang sabi.

"What the hell are you talking about?" I whisper-yelled. Lumingon ako sa paligid kaya't kita ko ang mga tingin ng mga taong napapadaan sa aming dalawa.

"Gray. Stop. Hindi ka nakakatuwa." Banta ko muli sa mababa pero may diing boses.

Pero hindi siya natinag man lang. "You are even sending me inappropriate messages and your nud–"

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang balak nitong sabihin.

Agad kong tinakpan ang bibig niya sabay tulak palapit sa motorbike nito.

"Hindi ko akalaing mas nakakabwiset ka kapag makulit kaysa kapag walang reaksyon." Naiinis ko paring sabi.

I saw his lips twitched in amusement.

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon