Chapter 21

6.7K 199 18
                                    

Sneaking Around

"OMG! He's such a cutie in here." Addi squealed  from her seat. After helping tita Freya in choosing her paintings for her home office, Addi offered to accompany me since tita's helping their maids in preparing dinner.

"Gosh! I should really put my games up. I'm drooling!" She showed me Rob's picture in his swimming trunks last summer.

Yup! The crazy little girl named Addi is stalking my barbie friend named Robert. Kalahating oras na kaming magkasama at kalahating oras na ring ganyan ang ginagawa niya.

Kung alam niya lang, paniguradong nagma-manhunt noon yang si Rob kaya nag trunks.

"Ahm. Can I use a comfort room?" Di-kalaunay sabi ko kay Addi. Bukod sa naiihi ako, gusto ko munang mag-time out sa mga pagpapantasya niya sa kaibigan ko.

"Finally." Mahinang bulong nito sa sarili.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Addi look for her words for a second. "Ahm, nothing. You can use the cr in the second floor. Gusto mo pasamahan kita sa maid namin?" She grinned at me, which I found strange.

"Ahm. Sa tingin ko hindi naman ako mawawala dito sa bahay niyo kung ako lang mag-isa." I said and stood from my seat.

She smiled. "Definitely not. It is the second door upstairs."

Tumango ako at naglakad paakyat ng engrandeng hagdan. Pagtapak ng paa ko sa dulo nito ay napakamot na lamang ako ng ng ulo.

Mababatukan ko talaga ang Addi na yun. Paano ko malalaman ang pangalawang pinto kung ganitong may dalawang hallway na sumalubong sa akin.

Psh. Since nagtitiwala ako sa instinct ko, tinungo ko ang kanang pasilyo at ipinihit ang busol ng pangalawang pinto gaya ng sinabi ng babaeng baliw na kasama ko kanina.

Sana lang ay walang sasalubong saking kababalaghan na hindi ko dapat makita. If you know what I mean.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang isang maluwang at halos kulay puting cr. I told you! My instincts are the best.

Pagkatapos kong gumamit roon ay agad rin naman akong lumabas.

Ngunit sa puntong mahawakan ko ang salaming railings ng hagdan ay nakarinig ako ng mahinang music at sa tingin ko'y pagbangga ng mga bakal. 

Kumunot ang noo ko at hinanap ang pinanggagalingan ng tunog. Sa kaliwang hallway iyon nanggagaling.

Inisa-isa kong pakiramdaman ang bawat pinto ngunit sa dulo ako dinala ng pandinig ko.

Well, my mom educated me that invading someone's privacy isn't good and that curiosity kills the cat, but I was just checking what was behind this door. Nothing is wrong about that right?

Dahan-dahan kong ipinihit ang doorknob. Hinayaan ko lamang na nakabukas ito nang kaunti, kaya't hindi ko parin kita ang loob nito.

Nawala na ang naririnig ko kaninang mga banggaan ng metal, pero— nanlaki  bigla ang mga mata ko!

Rinig na rinig sa kinatatayuan ko ang ragasa at hinihingal na paghinga.

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon