Chapter 26

6.1K 179 6
                                    

Third Wheel?

"Halla! Artista nga!" Nanlaki ang mata ng babae habang kilig na kilig na tinititigan si Gray.

Sandali lamang ay natigil ito at itinuro ang huli. "Pero saang teleserye ka lumalabas? Parang hindi pa kita nakikita sa tv namin." Aniya.

Mapang-asar akong tumawa kaya nabaling ang atensyon nila sa akin. "Hindi naman kasi artista yan." Umiling ako.

Hindi na nakakomento pabalik ang babae dahil narinig namin ang isang bagong boses mula sa pinto.

"Cindy! Bakit mo iniwan yung inihahanda mong halaya?!" Isang may edad na babae ang lumabas mula sa bahay.

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin, pagkatapos ay lumapit siya sa babaeng nagnanasa kay Gray kanina lang.

Bumulong siya rito. "Anak, naliligaw ba ang magkasintahang iyan?" Mukhang hindi nasanay bumulong ang ginang dahil rinig na rinig ko ang sinabi niya.

Namula ang pisngi ko. Pagsulyap ko kay Gray ay nakita kong nakatingin na siya sa akin habang nagpipigil ng ngiti.

"She's not my girlfriend." Umiling siya sabay turo sa akin.

Tiningnan ko siya na para bang nasisiraan na siya ng bait. Pero bumalik sa isip ko ang inilagay ko roon sa sulat.

Let me clear it to you, you are not my boyfriend.

"Yeah. He's just a friend." Labas sa ilong kong sabi.

"Ibig sabihin, single ka?" Hiyaw ng babaeng nakalingkis na naman sa braso ni Gray.

Naningkit ang mga mata ko at tiningnan ng masama ang makating kamay nito.

Pero ngumisi ako nang hilain ng ginang ang babae. "Cindy. Tumigil ka. Nakakahiya." Aniya. Bumaling muli siya sa amin bago nagtanong. "Ano nga iyong kailangan niyo?"

"I'm Gray, and she's Amber. We are from Xavier University." Si Gray ang sumagot.

Nag-isip sandali ang ginang. Pagkatapos ay napapitik ito sa hangin. "Xavier University. Kayo ba yung may co ... com ..." Hinanap niya ang salita niya.

"Community Immersion. Kami nga po." Sagot ko.

Ilang sandali pa ay ako naman ang napapitik sa hangin. "Kayo ho ba si Mrs. Josie Matatag?" Turo ko sa kanya.

"Ako nga ineng." Ngumiti siya. "Kung ganoon, tara sa loob. Mainit dito sa labas." Anyaya niya sa loob ng bahay.

Bumungad sa amin ang isang maliit ngunit maaliwalas na sala ng bahay. Mararamdaman rin ang lamig dito sa loob buhat nga na gawa sa kawayan ang mga dingding, idagdag pa ang maraming puno sa paligid.

"Ito nga pala ang mga anak ko, si Andeng at Cindy." Turo ng ginang sa dalawang babae sa tabi niya.

"Ang asawa niyo po..." Inisip ko kung anong itatawag ko sa kanya.

Mukhang napansin niya ang pag-iisip ko. "Nanay Josie nalang ang itawag niyo sa akin." Ngumiti siya ng matamis. "Ang asawa ko ba? Umakyat siya ng bundok para mag-ani ng abaka. Kasama niya ang isa ko pang anak."

Tumango na lamang ako.

"Sa Xavier University ka nag-aaral? Naririnig ko ang eskwelahang iyon mula sa mga kaibigan ko." Muling kausap ni Cindy kay Gray.

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon