Chapter 23

6.7K 158 8
                                    

So Warm

It's so warm, I said to myself as I shuffle on my place before nuzzling into the  softness of my duvet and warmness of the pillow beside me.

Pikit parin ang mata kong isiniksik ang katawan sa malambot na kubrekamang bumabalot sa akin. Niyapos ko rin ng mas mahigpit ang bagay na niyayakap ko.

Ah! I released a contented sigh.

It was quite some time since the last time I enjoy a morning like this. It was warm and comfy. I want to enjoy the comfortableness of this bed all day.

Pero nagambala ang pagbalik ko sana sa pagtulog nang umalingaw-ngaw ang malakas at matinis na tunog ng isang alarm clock.

I groaned and pop my arm out of the blanket. "Turn if off." Reklamo ko.

It came out as a rumbling sound because I pressed my face on my pillow.

Nakaramdam ako ng paggalaw sa aking tabi bago nawala ang malakas na ingay na gumambala sa kapayapaan ng pagtulog ko.

"Thanks." I said half-awake.

"Mhh." Narinig kong sumagot ang  isang inaantok ding boses mula sa tabi ko.

Babalik sana uli ako sa pagtulog pero nanlaki bigla ang mga mata ko. Namutla ang mukha ko nang mapagtanto ang isang bagay.

Gumapang ang tingin ko sa aking kamay, papunta sa unan na niyayapos nito. Napapikit ako. Mali. Hindi unan, kundi katawan, isang katawang walang suot na pang-itaas.

I opened my eyes and slowly traces the body laying beside me under my–our blanket. From his tonned abdomen, to his firm chest, to his strong arms that somewhat hugging my side, to his neck, and finally ... to his face.

Napapikit muli ako. No! This is not happening! This is not the reality. I am dreaming. Yeah! I am definitely dreaming. Hindi ako nakahiga ngayon sa kama ni Gray habang nakayakap sa katawan nito. Hindi ko siya katabi ngayon na halos hubad na naman. Hindi ako natulog dito kasama niya, sa tabi niya, sa iisang kwarto, sa iisang kama.

Bago pa man ako makapag-isip ay nasampal ko na si Gray na mahimbing ang tulog sa tabi ko.

Halos mahulog naman siya sa kama dahil sa gulat. Napabalikwas siya bago tumingin sa akin.

"Really?! You really slap me while I am sleeping? Really?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang iniinda ang pisngi niya.

Ngumiwi ako sabay taas ng kamay. I offered him a peace sign.

"Nagulat lang ako na katabi kita tsaka ..."

Naningkit ang mga mata ko.

"... bakit ka na naman hubad ha?!" Reklamo ko.

Ngumisi siya bago bahagyang lumapit sa akin. "Last night was a bit hot."

Muling namutla ang mukha ko. Gusto kong magsalita at tanungin siya pero hindi ko mahanap ang boses ko.

He only rolled his eyes when he saw me all flustered. "If you're not just overthinking, you wouldn't look like someone who just saw a ghost. I felt hot because was not used of having someone sleeping beside me, that's all. Nothing happened. Ang dumi kasi ng utak mo." Umiling siya.

Napakagago. Kung hindi ba naman kasi ganoon ang pagkakasabi niya.

Umupo ako at sinuri ang sarili. I sighed when I saw my clothes still on.

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon