I'm Serious
I leaned on my cream-colored wall while crossing my arms. Malawak ang ngising nakaplaster sa mukha ko habang unti-unting iniluluwa ng printer ang pitong bond paper.
Let me clear it to you, you are not my boyfriend. But I might say yes if I found you sincere about this.
Iyan lang ang laman ng long sweet message na yan. It may be long, literally long, but not sweet, and I don't care. I only copied and pasted that two-sentence message to fill that freaking letter out. Ilan ang font size? 26. I laughed! Papahirapan ko pa ba ang sarili ko.
Pagdating ng sumunod na araw ay maaga akong pumasok. Diretso rin ako sa locker ni Gray para isuksok roon ang mahabang papel na pinagdugtong-dugtong ko kagabi.
"Done!" Mensahe ko pa sa group chat namin nina Rob at Mia pagkatapos kuhanan ng litrato ang nakausling papel sa locker ni Gray.
"Your little confession seems to have a good effect on you." Komento ng mga kaibigan ko nang maabutan nila ako sa room habang ngi-ngiti-ngiting parang baliw.
Hindi agad ako sumagot dahil pagkaupo nila ay sumunod na pumasok ang magpinsang Montellor.
Gaya ng nakasanayan, wala uling bakas ng anumang emosyon ang mukha ni Gray. Ngunit, nang madako ang tingin niya sa akin ay sumilay ang maliit na ngisi sa labi niya.
Umalingaw-ngaw ang ingay ng paghanga mula sa mga classmates ko. Mga haliparot.
"Mhh. The guy looks happy too. Mas na-curious na tuloy kami kung anong isinulat mo roon." Bulong sa akin ni Mia bago pa makaupo sina Gray sa likuran namin.
"Hi Amber and friends!" Bati sa amin ni Green di-kalaunan.
Hindi ako lumingon, di katulad ng mga kaibigan ko.
"Hi babe." Malanding sabi sa kanya ni Rob, na itinawa lang naman ng huli. Malantod din ang bruha.
"Ang snob naman ng kaibigan niyo." Ilang sandali pa ay narinig kong sabi ni Gray.
Nanatili sa harapan ang mga mata ko. Pero nagitla ako nang lumapag ang ilang libro sa mesa ng aking upuan.
"You left your books in front of my locker." He whispered teasingly beside my ear. His breath brought tingles that ran down my spine.
Tiningnan ko ang mga libro sa harap ko. Tumutok ang tingin ko sa isang post-it note na nakadikit sa harapan niyon.
I'm serious.
Pagkabasa ng nakasulat doon ay agad na nanlaki ang aking mga mata. Naramdaman ko rin ang pag-init ng aking mga pisngi.
"Damn serious on you Amber." Muling bulong ni Gray sa aking tainga. Gumapang muli ang elektrisidad sa aking katawan dahil sa kiliting idinulot ng hininga niyang dumadantay sa aking balat.
"I'm serious?" Nabasa na ni Rob ang nakasulat doon bago ko pa man matakpan. "Serious about what?" Tanong niya.
Lumingon ako sa aking likod. Pinagkrus ni Gray ang mga kamay bago ngumisi at inihilig ang katawan sa upuan. Natunaw na ako't lahat-lahat dahil sa pagkakatitig niya sa akin pero wala ni isang lumabas sa bibig niya. Sabi na nga ba't wala akong mapapala sa hinayupak.
BINABASA MO ANG
Taming Gray
RomanceMontellor Cousins Series Second Generation Gray. The color between white and black. That's how Amber Faye Arcega define Grayson Xavier Montellor. He was always in the middle. He's the guy in between. Hindi siya kulay puti na kitang-kita ang nararam...