Chapter 29

6K 176 1
                                    

Comfy

"Naku! Saan ba kayo galing na dalawa?" Pagpasok namin sa bahay ay sinalubong kami ng nag-aalalang tanong ni Nanay Josie.

I guiltily smiled as I scratched the back of my head.

Namula ang pisngi ko nang bumaba ang tingin ng pamilya sa magkasalikop naming kamay ni Gray.

Ang nag-aalalang mukha ni Nanay Josie ay napalitan ng ngiti.

"I only brought my girlfriend for a short walk. Sorry for making you worry." Gray answered.

"Ha? Sabi mo single ka?" Eksaheradang tanong ni Cindy.

I laughed at her reaction. I wasn't even annoyed at her now. I know she was just a pre-adolescent girl having a big crush at my boyfriend.

I blushed. Claiming Gray as my boyfriend gave me weird but splendid feeling. I unconsciously pressed Gray's hand that currently holding mine.

"I was single, not until Amber said yes just ..." Tiningnan ni Gray ang suot nitong mamahaling relo. I mentally note to reprimand him later from using that wealth-bragging thing while we are here. "Five minutes ago."

Nakita kong sumulyap si Gray sa gilid kung saan nakatayo si Joshua. Alam kong ipinasaring niya iyon.

Lumapit si Joshua at ngumiti. Humalakhak siya nang makita ang matalim na titig ni Gray. "Huwag mong sabihing inakala mong may gusto ako kay Amber?" Aniya.

Sabay kaming nangunot ng noo ni Gray. Hindi ba?

Natawa uli si Joshua nang hindi sumagot si Gray. "Pare, hindi lang ako naniniwala na magkaibigan kayo, kaya sinubukan kong patunayan. Mukhang tama naman ang hinala kong higit sa pagkakaibigan ang meron kayong dalawa."

"Kuya! Para sa akin si Gray." Sumimangot si Cindy at pinagkrus ang mga kamay.

"Tumigil ka. Ang bata-bata mo pa." Pigil ng kuya nito.

Tumingin ako sa gilid kung saan masaya lamang kaming pinapanood ni Nanay Josie. "Kayong mga bata kayo." Tawa niya.

Lumapit siya sa amin. Sunod ay bumaling siya sa amin ni Gray. "Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sa inyo. Paano ba to, iisa lamang ang maipapahiram naming kwarto sa inyo." Saad ni Nanay Josie.

Nanlaki ang mga mata ko. I have bad memories about sharing a room with Gray. It would always end up him teasing me in the morning after.

"No worries Nanay." Ngumiti si Gray sabay akbay sa akin.

Nahulog ang aking panga.

Ngumiti ang matanda at pinagdikit ang mga palad. "Mabuti naman kung ganoon. Handa na ang tutulugan niyo roon. Inihanda ko na rin ang kobrekama."

Gusto ko mang tumutol at humiling na magkahiwalay kami ni Gray ng tutulugan, pero nahihiya na ako kay Nanay Josie. Pakiramdam ko ay labis na ang hilingin ang isang komportableng tulugan sa ganitong kalagayan.

"Huwag po kayong mag-alala, hindi naman po kami mapili." Sagot ko.

Pero nalunok ko ang sinabi ko nang mahiga ako sa tabi ni Gray, sa iisang kwarto, iisang kama, iisang kumot. Mabuti na lamang dahil tag-isa kami ng unan.

"Gray." I called Gray who is silently laying beside me. Is he already asleep?

"Tulog ka na ba?" I voiced out my thought.

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon