Chapter 11

6.9K 173 10
                                    

Untamed Feelings

Nang mailagay ko ang lahat ng gamit ko sa isang duffle bag ay sumabay ang pagkalam ng aking tiyan.

Pagkababa ko sa sala, nakasalubong ko ang isa naming maid kaya napagdesisyonan kong itanong kung dumating na ba si mommy. It was already 7 in the evening.

"Tumawag nga pala ang mommy mo kanina Amber. Mag-o-overtime daw siya. Ipinagluto ka nalang daw namin ng pagkain. Gusto mo bang ihanda ko na?" Sagot at tanong nito sa akin.

Ngumiti ako pero sinundan ng iling.

"Ako nalang ho." Sagot ko bago tinungo ang kusina. Amoy ko nga ang lutong pagkain sa kitchen pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. I just can't feel like eating heavy meal tonight.

I opened the fridge and search for something to eat. My eyes landed on a food container with a carbonara sauce, which I immediately took out  and reheated in a microwave oven.

Habang hinihintay kong uminit ang pagkain ko ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Gray noon sa office niya.

Do I really seeking for attention?

Maybe from my parents, but not from everybody. Hindi ako uhaw sa atensyon ng iba. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan kong makuha ang atensyon ni Gray.

Do I really like him?

Another maybe. Maybe yes or maybe no. I don't know if it is the feeling of liking someone, of being intimately attracted to a guy.

Sa natitirang araw naman ngayong linggo ay parang hindi ko naramdaman ang presensya ni Gray kahit na magkaklase kami sa lahat ng subjects. Green had also started to tease the two of us but there were really no interaction between him and I.

I wanted to say sorry but I don't know what I am apologizing for and I can't find the right timing to do so.

Bukas na rin ang inter-school boyband competition, at hindi ko alam kung paano ako gagalaw, I mean, I will be with Gray most of the time. How will I act around him?

I had really messed with my karma.

I was woke up from the trance of my thoughts when I heard the timer of the microwave ends.

I took the sauce out and pour it in my pasta. I eat silently as the cool breeze of the ac was enveloping me.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Maybe it was time to call it a day. Tomorrow will be another day to thank for, I guess.

Parang sa pagpikit ko ng mata ay siya ring pagtunog ng alarm clock ko. I look at it and it was already 6 in the morning.

Pupungas-pungas akong pumasok ng banyo at naligo. Pagkaraan ng humigit-kumulang isa't kalahating oras ay handa na akong umalis. Kinuha ko ang duffle bag na inihanda ko kagabi at bumaba sa kusina. Naabutan ko roon si mommy habang naghahanda ng pagkain.

"Morning mom." I greeted the same way as I would in an ordinary day.

"Morning Amber." Bati nito pabalik. Kumunot m ang niya nang makita ang bag na nakasabit sa balikat ko. "May pupuntahan ka?" She asked.

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon