Chapter 28

6.3K 199 21
                                    

My Cold Prince

"May I have your attentions please!" Anunsyo ng kasama naming faculty member kaya napunta sa kanya ang atensyon naming lahat ng narito sa bus.

"Today is the 3rd day of your community immersion."

We all nodded in agreement.

"And as what've announced during the general assembly, you wouldn't be provided with lunch and dinner for today. Plus, you will be staying the night in your adopted families. So I expected that you have brought spare clothes with you?" The faculty member asked.

Dahil nga inaasahan kong ito ang mangyayari, may mga dala akong damit na pagpapalitan ko mamayang gabi at bukas.

"Okay! Off to go students!" The faculty member screamed excitedly as he motioned the outside.

Nang kukuhanin ko na ang duffle bag ko ay otomatikong tumaas iyon. Nilingon ko si Gray na katatayo lang. Isinabit niya ang bag ko sa balikat niya. Sa kabilang balikat ang kanya.

Hindi ko sana siya hahayaang magbitbit ng bag ko pero natameme ko nang kunahin niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon sa kamay niya.

Magkahawak-kamay kaming bumaba ng bus at hindi lingid sa akin na may mga istudyanteng nakapansin niyon.

-

"Dito kayo manananghalian? Tamang-tama, mangunguha si Ricardo ng talangka sa ilog." Masayang sabi ni Nanay Josie.

"Ano ang talangka?" Bulong ni Gray sa akin habang papasok kami ng bahay.

Nagkibit-balikata ako. "Small crabs, I think." Ako man ay hindi rin sigurado.

Pagpasok namin sa bahay nila ay siya namang paglabas ni Tatay Ric mula sa kusina, may hawak itong maliit ng timba at mga kagamitan sa loob nito. Sumunod ay si Joshua.

"Sasama kayo kanila tatay papuntang ilog? Sasama ako!" Pahayag ni Cindy sabay kapit na naman sa braso ni Gray.

Pangatlong araw na to ha! Pasalamat ka mahaba-haba ang pasensya ko.

"Matatakot lamang ang mga talangka sa ingay mo Cindy." Ani Joshua. Bumaling siya sa akin bago ngumiti at bumati. "Magandang umaga Amber."

"Yeah. Good morning." Gray was the one who answered. He was looking at the latter with a sharp stare.

"Kung ganoon, tara na!" Putol ni Tatay Ric sa muling matalim na pagtititigan ng dalawang bungol.

Sa gitna ng paglalakad namin papuntang ilog ay naramdaman ko ang pagdikit ng braso ni Gray sa braso ko. Nagitla ako sa kuryenteng dala nun kaya napalayo ako ng kaunti.

Kasama namin sina Tatay Ric, Joshua at Cindy. Sina Nanay Josie at Andeng ay naiwan sa kanila.

Ilang sandali pa ay muli ko na namang naramdaman ang pagkiskis ng braso niya sa akin.

Lumingon ako sa kanya ngunit diretso ang tingin niya sa madamong dinaraanan namin.

Pinaningkitan ko siya ng mata pero hindi siya natinag.

Tumingin na muli ako sa daanan.

Pero nang muli kong maramdaman ang braso niya sa akin ay walang paalam ko siyang sinapak.

Gayunpaman, mukhang may samaligno ang damuho. Agad niyang nahawakan ang pupulsuhan ko bago pa iyon lumapag sa mukha niya.

Taming GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon