TWO YEARS LATER...
"NANDITO ka na naman," rinig ni Blaire na natatawang sabi sa kanya ng napakatagal na ring sekretarya ni Exequiel na si Misty nang dumaan si Blaire sa harapan ng desk nitong nasa harapan ng opisina ni Exequiel.
Blaire chuckled and said, "Tinawag ako ng boss mo eh. Alam mo naman 'yun, nami-miss ako kaagad."
Misty laughed and said, "Sige na. Pumasok ka na. Mainit ang ulo ni Boss ngayong araw, eh ikaw lang naman nagpapalamig ng ulo niyan. May mga kausap pa siya though, pero pumasok ka na lang din."
Natatawang nailing na lang si Blaire bago lumapit sa pintuan ng opisina ni Exequiel.
Totoo ang sinabi ni Misty. Exequiel's company's aura is too scary, palibhasa security company. Hindi pa nga talaga nalilibot ni Blaire ang buong building eh, pero ang hula niya'y may mga floors talaga sa building na 'tong dedicated for agents' trainings.
Nakadagdag pa sa nakakatakot ng aura ng kompanya ni Exequiel, ang boss na sobrang nakakatakot din. Iba rin kasi talaga si Exequiel eh.
Pero sa tuwing nagpupunta nga si Blaire ay nakangiti ang halos lahat ng empleyado dahil dumating na ang nagpapalamig sa ulo ng boss ng mga ito. It has always been like that, kahit pa noon. She's the angel in people's eyes and Exequiel's the devil—the king of all demons and of hell.
She opened the doors and she was welcomed by two men kneeling in front of Exequiel's desk. Humihingi ng tawad ang dalawang empleyado at nakita ni Blaire si Exequiel na masama ang tingin sa dalawa.
Napalingon sila Exequiel nang tumikhim si Blaire.
Exequiel immediately softened his facial expressions when he saw how Blaire looks—so beautiful and angelic—in that white dress that she's wearing. Resting Bitch Face (RBF) si Blaire, pero talagang may angelic na aura ang dalaga eh.
"Tumayo na kayo, baka lamigin na lunch ni Exequiel 'pag nagtagal pa kayo," nakangiting sabi ni Blaire sa dalawang empleyado ni Exequiel.
Tumayo naman agad ang dalawa at nagmamadaling lumabas mula sa opisina pero bago sila tuluyang makalabas ay napatigil sila sa mga sinabi ni Exequiel sa kanila. "We're not finish. Come back later," malamig na utos ni Exequiel.
Blaire laughed and walked back towards the two employees. She whispered to them, "You don't have to. I'll handle this." At kinindatan niya ang dalawang sobrang sayang makita siya bago isara ang pintuan ng opisina ni Exequiel.
Liningon ni Blaire ang lalaki at sinabing, "Hot-headed."
"What are you doing here?" nakangiting tanong ni Exequiel habang naglalakad papalapit kay Blaire. He immediately grabbed Blaire's head and planted a kiss on her forehead nang marating niya ang kinatatayuan ng dalaga.
"Anong 'what are you doing here'? You were the one who asked me to come here and eat lunch with you," natatawang sagot ni Blaire.
"Did I? I don't remember," pabirong sagot ni Exequiel.
"Che! Anyway, I'm used to it. Lagi mo naman akong pinapapunta rito for lunch, even though alam mo namang busy akong tao," nakangusong sagot ni Blaire sa binata.
"Pumupunta ka pa rin naman kahit busy ka, Wife," sagot ni Exequiel bago kurutin ang ilong ni Blaire kaya sinamaan siya ng tingin ni Blaire. "By the way, how's your new branch?" sabi ni Exequiel.

BINABASA MO ANG
You are a Part of Me
Romance"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story t...