31.

2.3K 34 32
                                    

            "SAAN ka pupunta at nagmamadali ka?" tanong ni Zandro kay Blaire habang pinapanood ang kaibigan ayusin ang buhok nito habang nasa locker room ng mga chefs. "Blaire," tawag niya rito nang hindi ito sumagot.

            "Somewhere," nakangiting sagot ni Blaire.

            Tumaas ang kilay ni Zandro dahil do'n at tinanong niya ito ng, "Kasama mo naman si Exequiel, 'di ba? Or kung hindi, alam ba 'to ni Exequiel? Baka patayin na niya kami ni Carlo."

            Blaire chuckled and said, "Don't be so worried about Exequiel, Zands. He knows where I'm going and hindi naman ako papayag na mabugbog kayo no'ng gunggong na 'yun. Ipadala mo kay Reneth 'yung niluto ko ha?"

            Naglakad sila ni Zandro papalabas ng locker room at sakto namang pumasok ang head server ni Blaire sa loob ng kusina para i-inform si Blaire na dumating na ang taong hinihintay niya. Tumango si Blaire at iniwang mag-isa si Zandro.

            Agad na lumapit si Carlo kay Zandro nang umalis si Blaire. "Sino ba kasama no'n?" tanong ni Carlo kay Zandro at nagkibit-balikat lang ang kaibigan nila kaya napagdesisyunan nilang sundan ito at silipin kung sino ang kasama ng kaibigan nila.

            Pagdating nila sa pintuan ng kusina ay nagulat sila nang makita kung sino ang sinalubong ni Blaire—isang nakangiting Xavier.

            "Nakangiti si Xavier?" sabi ni Zandro kay Carlo.

            "Okay na sila?" tanong naman ni Carlo.

            "Sana okay na pero alam ba 'to ni Exequiel?" sabay nilang tanong sa isa't isa.


            "READY?" salubong ni Xavier kay Blaire nang makita niyang naglalakad na ang dalaga papunta sa kanya. The woman's wearing a white flowy dress at hindi mapigilang i-admire ni Xavier ang babae dahil mukha itong nasa 20s lang. Kailan ba siya nagmukhang edad niya? She always looks younger than she actually is kahit pa no'ng nasa college siya, isip ni Xavier.

            Tumango si Blaire kay Xavier at sinabing, "Sure ka bang hindi ka busy? Baka mamaya may kailangan ka palang gawin sa office mo, naabala pa kita."

            Xavier chuckled and said, "I am sure. Nandito na nga ako, 'di ba? Ikaw ba? I can wait for you here kung hindi ka pa tapos."

            "Kaya na nila Carlo 'yun. Tara?" nakangiting sabi ni Blaire at napangiti si Xavier bago tumango.

            Napangiti si Xavier nang maalala niyang hindi maiwan-iwan ni Blaire ang trabaho nito noon pero dahil siya naman ang makakasama nito ay tuluyang pumapayag si Blaire na iwan saglit ang trabaho nito para sa kanya. She makes time for me kahit noon pa, isip ni Xavier.

            It didn't matter how busy she was. Gumagawa ito ng paraan para magkaroon ito ng oras para kay Xavier noon. Something I wasn't able to do when I started building my company, isip ni Xavier.

            But now...

            No. Tigilan mo, Xavier. Kailangan na kailangan lang niya 'yung photo album, isip ni Xavier.

            Linabas ni Xavier ang cellphone niya bago pumasok ng kotse niya dahil naramdaman niyang nag-vibrate iyon at napangiti siya nang makitang nag-text sa kanya si Allie na magluluto raw ito ng dinner para sa kanila mamaya.

            Hindi ka naman magaling magluto pero nagluluto ka pa rin. Pasalamat ka mahal kita, isip ni Xavier habang pinagmamasdan ang litratong ng mga grocery bags na pinadala rin ni Allie.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon