25.

2.3K 35 18
                                    

            HINDI magawang alisin ni Exequiel ang mga mata niya mula sa babaeng nakaupo sa kanyang tapat. Nakatingin lang si Blaire sa labas ng bintana ng eroplano ni Exequiel. Kasalukuyang papunta sila sa Vancouver at doo'y naghihintay ang buong pamilya ni Exequiel para sa isang family reunion.

            He lied to his parents that Blaire's free for the week. Pa'no ba naman ito magiging libre ng isang linggo eh may tratrabahuhin ito? Natuwa naman ang mga magulang ni Exequiel dahil do'n dahil miss na ng mga ito ang dalaga. Mga ito pa ang kusang nag-imbita kay Blaire na sumama sa kanya sa Vancouver.

            Paglabas nila ng kompanya ni Xavier, agad niyang sinamahan si Blaire sa condo nito at pinag-impake. Siya mismo ang nag-impake ng mga gamit ni Blaire habang nagbababad ang dalaga sa bathtub nito para kumalma kahit kaunti.

            Pinagawan lang niya ito ng memo ng mga iuutos nito kanila Carlo para maging maayos ang event ni Xavier. Alam naman kasi ni Exequiel na kahit ba mayroong ganitong pangyayari ay hindi papayag si Blaire na maapektuhan ang kanyang negosyo.

            Hindi naman na nagdalawang-isip pa si Blaire na gawin ang kanyang iniutos dito dahil malaki naman ang tiwala nito sa mga kaibigan nito.

            Sa totoo lang, sinunod lang talaga siya ni Blaire. Hindi ito nagtanong sa kanya ng kung ano at halos walang buhay lang siya nitong sinunod.

            At heto sila ngayon sa loob ng kanyang eroplano. Silang dalawa lang, dalawang piloto, tatlong na cabin crew, at apat na bodyguards niya ang nasa loob ng eroplano. Ang apat na bodyguards na kasama nila ngayon ang apat na pinakaka-close ni Blaire.

            Exequiel wants her to have fun as much as possible. He wants her to be able to smile and laugh kaya rin dadalhin niya ito sa Vancouver—far from Xavier.

            Simula noong makasakay sila ng eroplano ay nakatingin lang si Blaire sa labas ng bintana.

            Pansin na pansin ni Exequiel ang paulit-ulit nitong paghinga nang malalim na para bang napakahirap huminga.

            He didn't do or say anything to her. He just remained on his seat in front of Blaire at minanmanan ang dalaga. Magkaharapan lang sila.

            He doesn't know what Xavier told Blaire, but he knows that it triggered everything from the past—the pain of miscarriage, losing the love of her life, and losing herself. Marami itong nawala sa nakaraan.

            Who wouldn't be in that much pain when you lost almost everything including your own self?

            "Water, Sir?" alok ng flight attendant sa kanya interrupting him from just looking at Blaire.

            "No, but can we please have hot towels?" sagot niya.

            Tumango ito at iniwan na silang dalawa.

            Ilang sandali lang ay dumating ulit ang flight attendant at may dala-dala na itong silver tray na may dalawang hot towels sa ibabaw at isang pares ng tongs.

            "Sir," tawag ng flight attendant sa kanya at iniabot ang mga hot towels gamit ang tongs na hawak-hawak nito sa kaliwang kamay ni Exequiel.

            "Just leave the towels with me first and come back for it later," utos ni Exequiel. Yumuko sa kanya ang flight attendant bago iwan ang dalawang mainit na tuwalya sa kamay ni Exequiel at umalis na.

            "Devan..." tawag ni Exequiel kay Blaire nang wala na ang flight attendant.

            Lumingon si Blaire sa kanya. Hindi na nagulat si Exequiel nang makitang walang buhay ang mga mata nito. Ang gusto lang naman ni Exequiel ngayon ay maging komportable ang biyahe nito at makatulog ito kahit kaunti.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon