9.

2.4K 41 14
                                        

            "I will only be gone for a month, Love," natatawang sabi ni Xavier kay Blaire habang nag-aayos ng kanyang mga gamit para sa flight niya bukas.

            Samantalang si Blaire nama'y nakaupo pa rin sa gitna ng kama ni Xavier habang masama pa rin ang tingin sa lalaking labas-masok sa walk-in closet nito. Naiinis siya dahil kahapon lang sinabi sa kanya ni Xavier ang pag-alis nito na para bang hindi sila magkasama halos araw-araw.

            "Alam ko, pero ang ikinaiinis ko kasi is kahapon mo lang sinabi sa'king aalis ka eh araw-araw naman tayong magkasama. Ang dami-daming oras na puwede mong sabihin sa'kin 'tas hindi mo man lang naisip sabihin?" inis na sagot ni Blaire.

            "Love, kahapon ko nga lang din nalamang aalis ako," natatawang sagot ni Xavier bago ibagsak ang folded office shirts niya sa loob ng kanyang nakabukas na luggage at lumapit sa kama niya kung saan nakaupo si Blaire na hindi mawala-wala ang inis sa kanya.

            "'Wag kang lalapit kung ayaw mong putulan kita ng itlog," asar na sabi ni Blaire habang nakahalukipkip at masama pa rin ang tingin kay Xavier.

            Cute mo talaga, isip ni Xavier.

            Natatawang hindi pinansin ni Xavier ang banta ng kanyang nobya at gumapang siya sa ibabaw ng kama papalapit dito. He pulled Blaire by her thigh towards him para mas malapit ito sa kanya. Ang gaan ah? isip ni Xavier.

            "It's only for a month, Love. We've survived three months before. Ano ba naman 'yung one month?" nakangiting sabi ni Xavier bago halikan sa noo si Blaire.

            "I don't know what's wrong with me, okay?" nakangusong sagot ni Blaire. "Hindi naman ako ganitong ka-needy and ka-clingy before," asar na puna ni Blaire sa kanyang sarili na ikinatawa ulit ni Xavier.

            Totoo iyon. Hindi naman kasi clingy at needy na girlfriend si Blaire, at alam ni Xavier na naaasar ito sa sarili kapag tinotopak ito at nagiging needy at clingy bigla sa kanya.

            "Tinotopak ka rin naman minsan kaya okay lang na biglaan kang ganyan. Besides, I actually enjoy this needy and clingy you," nakangiting sagot ni Xavier.

            "Well, ako, hindi ko nae-enjoy," nakasimangot na sagot ni Blaire.

            "'Wag ka na ngang sumimangot diyan," natatawang sabi ni Xavier. "Alam ko na," panimula niya at nakuha naman niya ang buong atensyon ni Blaire at parang curious na curious ito sa mga susunod niyang sasabihin.

            Lumapad ang ngiti ni Xavier and then he whispered in Blaire's ears, "Aanakan na kita para may remembrance ako."

            Nanlaki ang mga mata ni Blaire at malakas niyang hinampas ang dibdib ng nobyong tinawanan lang siya. Akala naman niya kung ano na ang sasabihin ni Xavier sa kanya! Na-curious pa man din siya nang sobra!

            "Para kang sira!" asar na sigaw ni Blaire kaya naman mas lumakas ang tawa ni Xavier.

            Umalis sa ibabaw ng kama si Xavier at bumalik sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Nagtaka na lang siya nang makitang sumunod sa kanya si Blaire at pumasok sa walk-in closet niya. Napangiti na lang si Xavier nang lumabas si Blaire na may dala-dalang mga damit niya pa.

            "I'll help you," sabi ni Blaire.

            "Nasa'n na 'yung needy at clingy kong girlfriend? Ba't bumalik sa dati? Ibalik mo siya," nakangising pang-aasar ni Xavier habang sinusundan ng tingin ang naghihimutok pa rin niyang girlfriend.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon