"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan
This is a story t...
PUMASOK si Blaire sa loob ng café kung saan magkikita sila ni Xaviell. No'ng isang linggo pa siya nito kinukulit na magdate raw sila kahit merienda lang kaya pinagbigyan na niya ito para matahimik at matigil na rin ito.
Kinuha ni Blaire ang cellphone mula sa bulsa ng itim na shorts na suot-suot at nakita niyang may text sa kanya si Exequiel.
From: Exequiel
I have to cancel dinner. Susunduin namin sila Mom from the airport.
To: Exequiel
Sure. No problem. Say hi to Tita and Tito for me and to her as well.
From: Exequiel
She says hi to you.
To: Exequiel
Liar! She hates me.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pinasok na ulit ni Blaire ang cellphone sa loob ng bulsa. Naramdaman niyang tumunog ulit iyon pero hindi na niya tiningnan pa kung anong reply sa kanya ni Exequiel dahil naaninag niya ang isang pamilyar na likod ng ulo ng isang lalaki sa upuang sinabi ni Xaviell kanina sa kanya.
Lumapit siya roon at tama nga ang hinala niyang si Xavier iyon.
Bakit si Xavier ang nandoon? Nasaan si Xaviell?
Halos dalawang buwan na silang hindi nagkikita ni Xavier. Naging abala sila pareho sa kanilang mga trabaho at wala namang rason para magkita pa sila. Ang huling balita ni Blaire sa lalaki ay nagpunta itong Hong Kong kasama ang girlfriend nito at ang mga magulang ng girlfriend nito.
At no'ng mga oras na nasa Japan pa ito ay nasa Seoul naman siya kasama sila Reneth, Zandro at Exequiel. Niyaya kasi sila nila Reneth na sumama sa kanila sa Seoul bago pa ito tuluyang manganak at mapagbawalan ng mag-travel.
Blaire rolled her eyes when she realized what Xaviell's plan is. Kahit kailan talaga hindi na ito nagbago. Masyado pa rin silang ginugulo ni Xavier at pinaglalaruan. Bakit ba gano'n 'yung taong 'yun? Manang-mana sa Kuya. Masyado kung maglaro, isip ni Blaire.
"Xavier..." tawag ni Blaire kay Xavier bago tumayo sa tabi ng table kung saan ito nakapuwesto.
"Blaire..." naguguluhang tawag naman ni Xavier sa kanya. "Why are you here?"
"Xaviell. You? Waiting for someone?" nakangiting tanong ni Blaire. Tinanong niya na dahil gusto niyang kumpirmahin kung tama ba ang kanyang hinala.
"Xaviell," nakakunot ang noong sagot niya sa dalaga.
Naiiling na nangiti si Blaire bago umupo sa upuang nasa tapat ni Xavier. Tama nga ang hinala niya. Pakana ito ni Xaviell at hindi niya alam kung pasasalamatan ba niya ito o ano dahil sa ginawa nito para sa kanya. Humanda siya sa'kin 'pag nagkita kami, isip ni Blaire.