HINAWAKAN ni Exequiel ang kamay ni Blaire habang nakaupo sa tabi ng kama nito. Tulog pa rin si Blaire at ang sabi ng doktor kanina ay hayaan lang daw muna itong matulog dahil kailangan nitong magpahinga as much as possible.
He's really worried about Blaire. Ilang oras na rin itong tulog at hindi pa rin nagigising. At saka hindi pa rin niya alam kung bakit nahimatay ang dati niyang nobya kanina dahil hindi pa bumabalik ang doktor na tumitingin ng mga test results ng dalaga.
He tried calling Xavier using Blaire's phone pero hindi ito sumasagot.
Sa totoo lang—at paulit-ulit niya itong sasabihin—he still loves Blaire. He also wants her back. Kahit pa noong katatapos lang ng relasyon nilang dalawa ni Blaire ay gusto na niya itong bumalik sa kanya. Iyon nga lang ay wala siyang ginawa para bumalik si Blaire sa kanya. He just let her go.
What even pained him was that Blaire left the country and spent her entire stay in another country with someone else—someone from her past na hindi naman nito palaging nakakasama o masyadong kilala at hindi pa kilala ng pamilya nito o ng mga kaibigan nito.
Pero hindi naman siya ga'nong kasama para agawin si Blaire mula kay Xavier at hindi balitaan si Xavier sa nangyayari sa nobya nito ngayon. Also, clearly, he can't have Blaire back because of the ring that she's wearing on her finger.
He's not stupid para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin ng singsing na 'yun. He was supposed to give her one years ago, but she refused because it was too early for her; she was young, and she had ambitions for herself.
Humigpit ang pagkakahawak ni Exequiel sa kamay ni Blaire and he felt the ring against his palm. Iniharap niya sa kanya ang kamay ni Blaire and stared at the ring with an Emerald-cut diamond.
Bakit ba kasi hindi siya nakapaghintay dito noon? Nangako siyang hihintayin niya ito pero hindi siya nakapaghintay. He promised that he will wait until Blaire's ready, but he broke that promise. He's so stupid. Masyado siyang nagpadala sa sinasabi ng ibang tao.
He really should have shut his ears back then. Ewan ba niya noon at nagpaapekto siya sa sinasabi ng iba, which he doesn't really do.
Exequiel was so sure that Blaire is the one for him. He was so sure, but he ruined it. Masyado siyang nagmadali. Masyado siyang nagpadalos-dalos. Masyado siyang nakinig sa ibang tao.
So what if he's already turning 30 by then? So what if his investors pull out their investments once he doesn't give them what they wanted? Hindi naman talaga niya kailangan ang mga asungot na iyon, so he punished them, like the devil that he is known as.
Hindi talaga alam ni Exequiel kung anong pumasok sa utak niya para marindi siya sa paulit-ulit na sinasabi ng ibang mga taong magpakasal na siya. Damn it. Tuwing naiisip niya ang katangahang iyon ay nagsisisi siya.
Dahil siguro kung naghintay nga lang talaga siya ay sana siya ang kapiling ngayon ni Blaire. Wala na siguro siyang ihihiling pa dahil nasa kanya na ang lahat 'pag nagkataon.
Pero hindi.
Hanggang what ifs na lang naman siya eh. Blaire can never be his anymore because of the goddamn ring on her finger and because of her fiancé, who is nowhere to be found and is not answering the calls he received kahit na phone naman ni Blaire ang gamit-gamit ni Exequiel kanina.
Natigil ang pagmumuni-muni ni Exequiel nang marinig niyang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Blaire sa ospital at pumasok ang doktorang nag-asikaso kay Blaire.

BINABASA MO ANG
You are a Part of Me
Romance"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story t...