NGUMITI si Blaire nang makita niya ang nakasulat sa envelope na hawak-hawak in gold-colored ink. Each label on each envelope were handwritten by a calligrapher that she hired. Talagang nag-hire siya ng calligrapher para lang maging unique ang pagkakasulat ng mga pangalan sa bawat envelope.
Hindi rin naman nagreklamo 'yung mokong kaya okay lang mag-hire ako ng calligrapher, natatawang isip ni Blaire.
Naalala pa niya ang sinabi nito sa kanya habang nasa eroplano sila at sinasabi niya ang mga nasa listahan ng kanyang mga nagastos na: "I don't care. Bakit ba may listahan ka pa? It's not like I'll check it after. Gumastos ka lang. Do whatever you want to do."
"Sabi ko naman kasi sa'yo choose blue," rinig ni Blaire na sabi ni Jessica sa asawa nitong si Martin, na pinsan ni Blaire. "Hindi ka nakikinig sa'kin kaya ayan!"
Walang sagot na narinig si Blaire mula sa pinsan kaya she's assuming na nagback-out na ito mula sa pakikipag-away sa asawa nito. Natawa na lang si Blaire.
Binaba ni Blaire ang envelope na hawak-hawak sa kahong naglalaman ng mas marami pang envelopes and took the envelopes that she wanted to deliver personally dahil alam niyang miss na miss na siya ng mga ito at makakatanggap siya ng ratrat mula sa mga ito kung hindi siya magpapakita.
She took the purse beside it at naglakad papalabas ng bahay nila Jessica.
"Hoy! Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos 'no!" habol na sigaw ni Jessica sa kanya.
Tumalikod siya para lingunin si Jessica at kinindatan lang niya ito bago tuluyang magmadaling pumasok sa kanyang kotse.
"Where to, Ma'am?" tanong ng driver sa kanya.
"My restaurant," nakangiting sagot ni Blaire sa driver niya.
NAGMAMADALING nag-pipe si Reneth ng icing sa ibabaw ng mga cupcakes na binake niya. Dalawang oras na lang kasi at kailangan na nilang i-deliver ang mga cupcakes na binake niya. Kasalanan naman kasi ng asawa niya kung bakit late siyang nagising.
"What else do you need?" tanong ni Zandro sa kanya.
"Che! Magluto ka na lang sa station mo!" asar na sabi niya sa asawa.
Natawa si Zandro at hinalikan muna sa pisngi ang asawa bago bumalik sa kanyang station.
"Sabi ni Florence iisang tao lang daw nag-reserve ng fifteen tables ngayon," kuwento ni Carlo kay Zandro.
"Oh? Then baka isang barangay sila," sagot ni Zandro na Ikinatawa ni Carlo.
"We need to prepare kasi baka biglang dumating nagpa-reserve ng tables at sabay-sabay tayong magagahol," sabi ni Carlo.
"Roger, Chef," sagot ni Zandro.
Maya-maya lang dumating ang isang waiter at sinabi sa kanilang lahat na nasa kusinang dumating na ang nagpa-reserve ng fifteen tables.
"Okay. Chefs ready?" sabi ni Carlo sa mga kasamahan niya sa kusina.
"Yes, Chef," sabay-sabay na sagot ng mga ito sa kanya.
Pero wala pa silang order na natatanggap nang biglang dumating si Florence na ngiting-ngiti at tinawag nito si Carlo.
"Chef, pinapatawag po kayo ng customer. Pati po kayo Chef Zandro and Chef Reneth," sabi ni Florence kanila Carlo.
BINABASA MO ANG
You are a Part of Me
Romance"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story t...
