NGINITIAN ni Blaire si Ernest, ang sekretarya ni Xavier. Agad naman siyang tinulungan ng sekretarya na buhatin ang dala-dala niyang mga paperbag na naglalaman ng pagkain at pinapasok siya ng office ni Xavier.
Tumawag kasi si Xavier sa restaurant niya kanina at umorder ng pagkain para sa buong kompanya nito. Pinadala ni Blaire ang pagkain sa ibang mga tauhan niya sa ibang floor pero pinili niyang siya na ang maghatid ng pagkain ni Xavier, sekretarya nito, at ng mga bodyguards nito.
"Iwan mo na lang 'to," nakangiting sabi ni Blaire habang pinapakita kay Ernest ang dala-dalang dalawang paperbags. "Please distribute those to Xavier's bodyguards. Sa'yo naman 'yung isa riyan," dagdag ni Blaire na tinutukoy ang mga paperbags na dala ni Ernest.
"Thank you, Ma'am," nakangiting sagot nito sa kanya.
"Naku, kay Xavier kayo magpasalamat. Siya nagpaluto ng mga 'yan," sagot ni Blaire.
"Ay, gano'n po ba?" masayang sabi ni Ernest. "It's nice to see you again, Ma'am," dagdag ni Ernest kaya mas nginitian ni Blaire si Ernest.
Sakto namang tinawag ni Xavier si Blaire kaya hindi na nasagot ni Blaire si Ernest. Kanina pa pinapanood ni Xavier na mag-usap si Blaire at ang kanyang sekretarya pero naiinip na siya kaya naman tinawag na niya ito.
"Blaire," tawag ni Xavier kay Blaire.
Lumingon si Blaire at ang sekretarya niya.
"Don't thank me. Thank her instead," biglang sabi ni Xavier sa kanyang sekretarya.
"Ah...Eh...Thank you po ulit, Miss Blaire," nakangiting sabi ni Ernest kay Blaire.
Natawa si Blaire at pinaalis naman na ni Xavier ang sekretarya. "What's gotten into you?" tanong ni Blaire kay Xavier.
Tumayo si Xavier sa kanyang pagkakaupo sa kanyang upuan at sinalubong si Blaire sa gitna ng kanyang opisina. Hindi niya sinagot ang dalaga at hinablot mula roon ang dalawang paperbags na dala-dala.
"Akin 'yang isa!" alma ni Blaire.
"Alam ko. Kinuha ko lang," sagot ni Xavier habang naglalakad papunta sa sofa set niya.
Tumaas ang kilay ni Blaire at sinundan niya si Xavier. Magkatabing umupo sila sa mahabang couch. Isa-isang nilabas ni Xavier ang mga pagkain mula sa paperbags at binuksan naman ni Blaire ang mga iyon.
"Ba't mo 'ko niyayang mag-lunch?" tanong ni Blaire habang nagbubukas ng tupperwares. Niyaya rin kasi siya ni Xavier kanina na sumabay na rin sa pagkain. Pumayag na rin si Blaire dahil hindi naman niya makakasabay sa pagkain si Exequiel dahil may meeting 'yung demonyo.
"Gusto ko lang," balewalang sagot ni Xavier.
Tumaas ulit ang kilay ni Blaire. "Gusto mo lang? Sinong sumapi sa'yo at biglaan mong nagustuhang sumabay sa akin?" natatawang tanong ni Blaire at nagkibit-balikat lang si Xavier. "Nga pala. Tell your employees not to throw away the tupperwares. Sayang naman kung itatapon lang nila. I-reuse na lang nila ulit," paalala ni Blaire kay Xavier.
Inilabas ni Xavier ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon at tinawagan niya ang kanyang sekretarya.
"Huy, 'wag naman ngayon! Baka kumakain na 'yung tao," nakakunot ang noong sabi ni Blaire kay Xavier pero hindi siya nito pinakinggan.
BINABASA MO ANG
You are a Part of Me
Romance"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story t...