28.

2.3K 36 24
                                        

            "KANINA pa kita hinahanap," salubong ni Xaviell kay Blaire nang makita niya itong naglalakad papunta sa kanya. Agad niya itong hinila pabalik sa kanilang inuupuan kanina. "Saan ka ba galing?" tanong ni Xaviell dito.

            "Tumawag kasi si Exequiel. Also, tinawagan ko rin sila Mommy kasi kinamusta ko sila sa Sydney," sagot ni Blaire.

            "Ah. Nasa Sydney pala sila. No wonder they can't come tonight. In-invite pa man din sila ni Xavier," sagot ni Xaviell na ikinagulat ni Blaire dahil hindi naman niya alam na invited pala ang mga magulang niya sa event na ito ni Xavier.

            "Teka lang ah. I'll just talk to someone. Is it okay?" paalam ni Xaviell kay Blaire at tumango si Blaire bilang sagot dito. "Don't go anywhere," paalala ni Xaviell sa kanya bago tuluyang umalis.

            Inilibot ni Blaire ang mga mata sa venue. Siya na lang ang mag-isang nakaupo sa table kung saan sila nakaupo ni Xaviell at nakita niya sa kabilang banda ng hall si Xavier na masayang nakikipag-usap sa mga kasosyo nito sa negosyo.

            Xavier really made it, and Blaire couldn't help but to feel proud of him dahil naabot na nito ang pangarap nito. And if she wasn't stupid, she could've been there by his side.

            She loved him—with all her heart and all her being.

            She still loves him, and there's nothing that she could do anymore because Xavier's already with someone else. Ang tanga-tanga mo kasi, isip ni Blaire.


            TAPOS na ang party at ang natira na lang sa venue ay ang mga nagliligpit ng mga gamit pero bumalik pa rin si Blaire sa venue para tingnan kung wala bang naiwan ang mga tauhan niya roon.

            Blaire opened one of the doors to the hall at hindi pa niya iyon tuluyang nabubuksan nang maaninag niya sa loob si Xavier. Nakatalikod ito mula sa pintuan at nakatayo sa malayo kaya hindi siya nito nakita.

            Xavier's also watching the fireworks display going on outside. Mahaba-haba ang fireworks display na iyon dahil may fireworks competition na ginaganap sa hindi kalayuan at alas-nuebe pa lang naman ng gabi.

            Blaire decided not to go in first. Ito ang unang beses ngayong gabi na masosolo niya si Xavier dahil na rin sa naging abala ang binata sa pag-eentertain ng mga bisita nito kanina at wala naman din itong dahilan para pansinin siya.

            Linabas ni Blaire ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang driver, who drove her to the party tonight. Hindi siya ang nag-drive dahil ayaw niyang magulo ang suot-suot para sa party at pinilit din kasi siya ni Exequiel na magpahatid. Muntik pa nga siya nitong pasamahin sa mga bodyguards nito.

            "Yes po, Ma'am?" dinig ni Blaire na sagot ng kanyang driver sa kanyang tawag.

            Liningon ulit ni Blaire si Xavier sa maliit na siwang ng pintuan bago magsalita, "You don't have to pick me up. Umuwi ka na at magpahinga. Pakisundo na lang ako bukas, Kuya."

            "Sure po ba kayo, Ma'am?" paninigurado ng driver. "At saka po nagbilin po kasi sa'kin si Sir Exequiel," dagdag nito na ikinangiti ni Blaire. Pati ba naman mga tauhan ko, takot kay Exequiel, isip ni Blaire.

            "Yes, I'm sure. Ako nang bahala kay Exequiel," sagot ni Blaire bago ibaba ang tawag at tuluyang pasukin ang hall.

            Nginitian ni Blaire ang mga nagngingitian sa kanyang mga hotel staff na nagliligpit ng mga kagamitan sa loob ng hall habang naglalakad si Blaire papunta sa kinatatayuan ni Xavier. At nang marating niya ang tabi ni Xavier ay agad niya itong binati ng, "Hi."

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon