39.

2.3K 36 11
                                    

         "KAILAN ka makakabalik?" rinig ni Xavier na tanong ni Allie mula sa kabilang linya.

         Kapapasok lang niya sa kotse niya pagkatapos bumili ng apat na kahon ng Guapple pie. Tandang-tanda pa niya kasi ang bilin sa kanya ng ina niya noon na 'pag nakabalik siyang Negros, bumili siya ng maraming Guapple Pie.

         Nagustuhan kasi iyon ng ina niya noon no'ng iyon ang ibigay na pasalubong ni Blaire lalo na't paborito rin iyon ni Blaire.

         "Tomorrow, if I'm lucky. Why? Do you need anything?" tanong ni Xavier at sumandal siya sa kanyang upuan. Ang lakas ng ulan sa labas.

         "Nothing. I just miss you," halos pabulong na sagot ni Allie.

         Natawa si Xavier at sinabing, "I miss you too."

         "Hmph! Hindi ko naman feel. Kung hindi pa kita tinawagan, hindi mo 'ko maaalala," may tampong sagot sa kanya ni Allie.

         Natawa ulit si Xavier, "I told you that I was busy."

         "Busy ka diyan! Ang tagal-tagal mo na diyan—" sagot ni Allie sa kanya.

         Hindi na narinig pa ni Xavier ang mga susunod na sinabi ni Allie dahil naaninag niya ang isang pamilya na pigura sa hindi kalayuan. Nakataas ang bag nito sa ulo, pilit na pinoprotektahan ang ulo mula sa malakas na ulan pero halata namang hindi siya nagtatagumpay sa gustong gawin.

         Sila na nga itong lumalayo sa isa't isa pero pilit naman silang pinagtatagpo ng tadhana.

         Kumunot ang noo ni Xavier.

         "Hey, Babe..." tawag ni Xavier kay Allie.

         "Yes?" sagot nito sa kanya.

         "I'll call you again, okay?" sagot ni Xavier.

         "Okay. I love you!" paalam sa kanya ni Allie at binaba na nito ang tawag.

         Agad na inabot ni Xavier ang payong niya mula sa backseat at nagmamadaling lumabas ng kotse niya.

         Naiinis si Blaire na nag-aabang ng taxi. Halos basang-basa na siya dahil sa malakas na ulan. Ang tanga naman kasi niya at naiwan niya ang payong niya sa restaurant niya at hindi pa siya nagdala ng kotse dahil tinamad siyang mag-drive ngayong araw.

         At ewan ba niya kung bakit trip na trip siya ng malakas na ulan simula noong gabing iyon na naligo siya sa malakas na ulan kasi ang tanga-tanga niyang umasa na malalapitan niya si Xavier noon.

         Pagdating pa niya sa baby shower na aattendan niya no'ng gabing iyon, takang-taka ang mga bisita ng kaibigan niya dahil basang-basa siya ng ulan eh nakakotse naman siya. Buti na lang talaga may spare na mga damit siyang dala-dala lagi for any occasions sa compartment ng kotse niya.

         Mas kumunot ang noo niya nang wala na siyang ulan na maramdaman.

         Imposible namang tumila lang sa posisyon niya ang ulan kaya tumingin siya sa kanyang kanan.

         Kung minamalas ka nga naman...isip niya.

         "Ikaw na naman," inis na sambit ni Blaire nang makita niya si Xavier na pinapayungan silang dalawa gamit ang malaki nitong payong na may logo pa ng kompanya nito.

         "Can't you just say, 'thank you'?" natatawang tanong ni Xavier.

         Nag-iwas ng tingin si Blaire at sinabing, "Thank you. However, I don't see the use of your umbrella when I'm already this drenched."

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon