3.

2.8K 57 49
                                        

            "SO, Xavier, kailan mo balak bigyan ng pamasko ang mga inaanak mo? Tatlong buwan na simula noong Pasko," pabirong tanong ni Michael sa kadarating pa lang na si Xavier. Siya na ang nagbukas ng gate at pintuan para rito dahil abala si Blaire sa pakikipagkulitan sa pamangkin nito.

            Sa totoo lang, hindi naman talaga inoobliga si Xavier ng mga pinsan ni Blaire na magbigay ng regalo, kaso siya itong gustung-gustong magbigay ng mga regalo dahil alam niyang naghihintay ang mga pamangkin ni Blaire. Isa pa, mahilig din naman siyang mang-ispoil ng bata.

            Natawa si Xavier at iniabot ang mga paperbag kay Michael. "Ayan. Okay na ba? Nandiyan din ba ang mga kapatid mo?" nakangiting sabi ni Xavier.

            "Nandiyan naman, pati mga inaanak mo sa kanila. Kasama nila 'yung tataniman mo ng anak," natatawang sagot ni Michael na natatawang ikinailing na lang ni Xavier.

            Sinundan ni Xavier si Michael papunta sa living room ng bahay ng pamilya ni Blaire. Maingay ang madalas na tahimik na bahay ng pamilya ni Blaire dahil kumpleto ang mga kamag-anak nito sa side ng ina nito.

            Hindi na kailangan pang i-announce ni Michael na dumating na si Xavier dahil pagdating na pagdating nila sa living room ay umalingawngaw sa buong bahay ang sigaw ni Benjie, ang anak ni Michael, ng "Ninong!"

            Masayang tumakbo ang bata kay Xavier at mabilis na yumakap sa kanya bago hablutin ang mga paperbags na hawak-hawak ng ama nito.

            Actually, hindi talaga inaanak ni Xavier si Benjie dahil ang mga inaanak niya talaga ay ang mga anak ng dalawa pang pinsan ni Blaire pero inangkin na lang din niyang inaanak si Benjie kaysa naman mainggit ito sa mga pinsan nitong may mga regalo.

            Pagkatapos yakapin at buhatin isa-isa ni Xavier ang mga inaanak niyang nasa two years old, one year old at ilang buwan pa lang, ay sa wakas nakarating na rin siya sa puwesto ni Blaire na kasalukuyang nakaupo sa carpet at nakatingala sa kanya.

            "Hi, Love," bati ni Xavier sabay yuko para halikan sa noo si Blaire.

            "Welcome back to our humble abode," natatawang sagot ni Blaire. Natigil lang ang tawa niya nang makitang uupo na rin si Xaver sa tabi niya sa carpet kaya sabi niya, "Teka, teka, don't sit here. Lipat tayo sa couch. Baka hindi comfortable for you and nahihirapan na rin naman ako."

            Doon lang napansin ni Xavier na nakasuot pa rin ito ng pencil skirt.

            Nangalay siguro sa Blaire sa kauupo sa carpet dahil sa suot nitong pencil skirt. Sa carpet pa man din nito nilaro-laro ang mga pamangkin nitong maliliit.

            "How did your meeting with your client go?" pabulong na tanong ni Xavier pagkatapos tulungan ang nobyang tumayo. "Careful. Ba't kasi umupo ka rin nang gano'n eh nangangalay ka na pala?" paalala ni Xavier.

            "It was good," nakangiting sagot ni Blaire sa tanong ng nobyo niya tungkol sa meeting niya. "And ngayon ko lang naramdaman 'yung sakit," nakangusong dagdag niyang ikinatawa naman ng kanyang nobyo.

            Umupo silang dalawa sa isang couch at hinarap ang mga pinsan ni Blaire kasama ang mga asawa nito.

            "Buti napilit ka ni Blaire na sumama," sambit ni Martin, ang pinakamatandang pinsang lalaki ni Blaire.

            "Sila Tito at Tita nag-invite eh. I can't say no to them," nakangiting sabi ni Xavier habang inaakbayan si Blaire.

            "Syempre, hindi ka dapat humindi sa in-laws mo," natatawang sabi ni Jessica, ang asawa ni Martin, kay Xavier. "Ewan ko na lang kung payagan ka pa nilang i-tie ang knot with their precious gem if ever," dagdag pa nito.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon