26.

2.3K 35 23
                                        

            PUMASOK si Blaire sa opisina ni Exequiel. Niyaya siya nito ng lunch, which he always does naman, and she happens to be near his company kaya siya na ang nagpunta rito even if gusto pa nitong ipasundo siya. Siyempre sanay na ang mga tauhan ni Exequiel na makita siya rito kaya hindi na nagtaka ang mga ito nang makita siyang pumasok ng building kanina.

            Nagtataka lang naman ang mga ito 'pag hindi siya bumibisita kay Exequiel.

            "No. I'll be home earlier, Sweetie..." rinig ni Blaire na sabi ni Exequiel sa kausap. Nakatayo si Exequiel sa may bintana ng opisina nito at nakaharap sa labas. Nakabulsa ang isang kamay at hawak-hawak ang cellphone sa may tainga.

            Nailing si Blaire. Paniguradong nangungulit na naman ang kausap ni Exequiel. Gano'n naman lagi iyon pero napakaselosa nga lang. Sanay na si Blaire na ayaw sa kanya ng Sweetie ni Exequiel.

            "Stop whining or else..." rinig ulit ni Blaire na sabi ni Exequiel at hindi niya mapigilang matawa kaya naman liningon siya ni Exequiel. Sinamaan siya nito ng tingin pero tinawanan lang niya ulit ito.

            "You're happy," komento ni Exequiel nang makita at marinig na tumawa ulit siya, not minding the person on the other end of the line. "What's up?" tanong nito.

            "Later. Kausapin mo muna siya. Magseselos na naman 'yan sa'kin," nakangusong sagot ni Blaire.

            Doon lang napagtanto ni Exequiel na hindi pa nga pala niya nabababa ang tawag.

            Tama nga si Blaire. Nagselos ito nang bigla na lang itong balewalain ni Exequiel. Hindi naman sinasadya ni Exequiel iyon. May susuyuin na naman tuloy siya mamaya 'pag uwi niya. "No, Sweetie..." rinig ni Blaire na sagot ni Exequiel sa kausap. "Yes, she's with me and I promise not to do that again."

            Natawa si Blaire at tumayo. Mahaba-habang usapan pa ang mangyayari kay Exequiel at sa kausap nito. Kalimutan ba naman kasing nasa kabilang linya pa ito kaya talagang magseselos ito. Susuyuin pa ni Exequiel 'yun.

            Pumunta siya sa manipis at mahabang glass na nakadikit sa dingding ng opisina ni Exequiel. Para itong lamesa kung tutuusin pero kasing lapad lang kasi ito ng isang notebook kaya hindi ito puwedeng gawing lamesa.

            Nasa ibabaw nito ang mga litrato ni Exequiel habang binibigyan ito ng parangal, ilang litrato ng pamilya nito, ilang litrato nilang dalawa, at litrato ni Exequiel at ang babaeng nagpapasaya rito at ang dahilan kung bakit hindi puwede si Exequiel at si Blaire.

            Napangiti siya habang dinadampot ang bagong picture frame na naglalaman ng picture nilang dalawa ni Exequiel sa Vancouver. It was a picture of them in Gastown. Nakatawang nakayakap si Exequiel sa kanya while looking up, samantalang siya nama'y kulong-kulong ng mga braso si Exequiel habang tumatawa rin at nakatingala kay Exequiel.

            No'ng mga oras na 'yun ay hindi nila alam na kinuhanan pala sila ng picture ng ama ni Exequiel. At nang makita nila ang litrato nang ipakita iyon ng ama ni Exequiel sa kanila ay hindi nila mapigilan ang mapangiti, lalo na si Blaire dahil she saw that she's really happy in the photo.

            Exequiel really takes care of her so well. Inuuna pa nito ang kapakanan niya kaysa sa sarili nitong kapakanan. She wished she could love him again. She wished they could be Blaire and Exequiel again. Pero hindi eh. Hanggang hiling na lang siya dahil sa puso niyang hindi makawala sa nakaraan; sa puso niyang nagmahal nang mas malalim at kahit kailan hindi bumitaw sa taong iyon.

            Binaba ni Blaire ang picture frame sa kanina nitong pinaglalagyan at liningon na niya ulit si Exequiel. Nakapameywang ang binata habang nakatayong tinitingnan ang mga papeles sa ibabaw ng desk nito.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon