"HEY, Love, you seem a little off," sabi ni Blaire kay Xavier habang naglalakad-lakad sila sa subdivision kung nasaan ang bahay ng mga magulang ni Blaire. Xavier's arm is around her shoulders at kanina pa niya napapansing tahimik ito.
Truthfully, she doesn't mind walking with Xavier in silence. There really are times when they go on walks together na hindi sila nag-uusap man lang and they're just contented with being with each other, but this time is different.
"Xavier," tawag ni Blaire sa nobyo.
Bumuntong-hininga si Xavier bago magsalita. "I don't know why I'm feeling this way. I know that fact about you ever since we met again in Moscow. Alam kong you almost got engaged with someone, but I don't know why I still feel jealous," nakakunot ang noong sabi ni Xavier.
Natawa si Blaire.
"You're jealous because I wouldn't be here in your arms tonight if I really had been engaged that time," pabirong sagot ni Blaire kay Xavier.
Tumigil sila sa paglalakad at iniharap ni Xavier si Blaire sa kanya.
"Right. Buti na lang hindi ka umoo," natatawang sagot ni Xavier.
"Buti na lang talaga," nakangiting sagot ni Blaire.
Napangiti naman si Xavier dahil doon at sa sobrang kilig na nararamdaman niya'y nahila na lang niya si Blaire papunta sa kanyang katawan at yinakap ang nobya nang sobrang higpit. Overflowing love for this woman, isip ni Xavier.
"'Wag ka na lang kaya matulog sa inyo? Doon ka na lang ulit sa'kin or do'n tayo sa'yo," bulong ni Xavier.
Blaire chuckled and said, "No. Dito ako matutulog. Ngayon lang ulit kami nakumpletong apat nila Mommy, Daddy, at Blake."
Blake is Blaire's younger brother. Hindi ito madalas umuuwi dahil abala itong lumipad-lipad sa iba't ibang mga bansa dahil may mga inaayos itong mga makina. Blake is an engineer for an international medical company that specializes in machines for medical purposes.
Tumango-tango na lang si Xavier.
There are only a few times that he becomes selfish of Blaire with her family and there was never a time that Blaire chose him over her family. He understands that dahil 'yun din naman ang ginagawa niya.
Blood is thicker than water, sabi nga nila.
Has Blaire been selfish of him? He can't remember.
"Just when I think that it's impossible for me to love you more, you prove me wrong," bulong ni Xavier sa tainga ng nobya.
Blaire giggled dahil nakaramdam siya ng kiliti sa kanyang tainga pero syempre dahil kinilig din siya sa sinabi ng kanyang nobyo. Her boyfriend really has a way with words. Sa totoo lang, puwedeng pumasang writer or maybe motivational speaker ang kanyang boyfriend.
Iyon nga lang, madalas siyang inaalaska at inaasar ni Xavier. Parang iyon na rin kasi ang nakasanayan nilang dalawa ni Xavier kahit pa noong kakikilala pa lang nila sa isa't isa—kahit sa social media at text lang ay nag-aasaran na sila.
Xavier loves annoying her, and she loves annoying him as well—for whatever reason she could think of. Siguro nga kapag nagkaanak sila, pati anak nila idadamay nila sa asaran nilang dalawa at paniguradong magiging expert ang anak nila sa asaran.

BINABASA MO ANG
You are a Part of Me
Romance"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story t...