15.

2.3K 35 12
                                        

            "CAN'T you just put your phone down for today and enjoy this road trip with me?" natatawang tanong ni Xavier kay Blaire.

            Kanina pa kasi niya napapansing hindi mabitaw-bitawan ni Blaire ang cellphone nito simula no'ng sunduin niya ito mula sa condo nito. Months silang nawalan ng oras para sa isa't isa at ngayong nakahanap si Xavier ng oras para makapagliwaliw sila ay hindi na ito nag-aksaya pa ng oras.

            Blaire wasn't supposed to be off her work today pero napilit naman siya ni Xavier kagabi pero kaninang umaga kasi no'ng paggising na paggising niya'y tumawag sa kanya si Carlo at sinabing nagkaro'n daw ng emergency sa restaurant.

            She was supposed to go to her restaurant pero sinabi naman ni Carlo sa kanyang kaya na ng mga ito iyon and that he just called to inform her of the emergency para raw hindi siya mabigla kapag nalaman niya.

            Pero hindi naman siya puwedeng magpabaya kaya kahit na sinabi ni Carlo na kaya na ng mga itong ayusin 'yung emergency, she did not put her phone down.

            "Xavi, the restaurant needs me," sagot ni Blaire kay Xavier.

            "Kahit sinabi naman nila Carlo na kaya na nila?" tanong ni Xavier.

            "Yes! Kahit na sinabi nilang kaya na nila. I should still make sure that everything's fine, Love," nakangusong sagot ni Blaire. "Tatapusin ko lang talaga 'to and I promise that I will put my phone down."

            "Okay! Okay!" natatawang pagsuko ni Xavier sa nobya.

            Napangiti si Blaire nang pumasok sila sa loob ng Butterfly Garden. Kanina pa sila naglalakad-lakad at kanina pa rin siya nakakarinig ng mga reklamo mula kay Xavier na magpahinga raw muna sila kahit saglit lang pero tinatawanan lang niya ito.

            "Wala bang upuan dito?" rinig ni Blaire na komento ni Xavier kaya natawa na naman siya.

            Sa lahat ba naman kasi ng araw na puwedeng tamarin si Xavier sa paglalakad ay napili pa nito ang araw na ito para tamarin. At saka magplano ba naman kasi ng bakasyon that requires too much walking? Pero nae-enjoy naman ni Blaire ang pang-aasar sa kanyang nobyo pati na rin ang paggagala nila.

            Mabuti na lang pala talaga at napilit siya ni Xavier. Kasi sa totoo lang ay miss na miss na niya si Xavier dahil palagi na lang itong wala. Ilang buwan din silang hindi masyadong nagkikita. Mabuti na lang at nagkaroon sila ng oras para sa isa't isa ngayon.

            It was also a good thing that I was patient for this day to come, isip ni Blaire.

            "Love, tingnan mo," sabi ni Xavier kay Blaire habang tinuturo ang isang itim na paru-parong nasa ibabaw ng isang bulaklak. The butterfly is black-winged, but its wings are accented with blue—blue as the ocean.

            Napangiti si Blaire sa nakita.

            "I missed your smile," sabi ni Xavier kay Blaire.

            Blaire looked up at Xavier and said, "Today was—is great, Xavi. Thank you."

            "See? Tama lang na pinilit kita kagabi, right?" natatawang tanong ni Xavier.

            Nakangiting tumango-tango si Blaire at ibinalik na niya ang tingin sa paru-parong hindi pa rin natitinag kahit makulit at maingay silang dalawa ni Xavier. Nanatili lang ang paru-paro sa ibabaw ng bulaklak kung saan nito napiling tumambay. Blaire looked closer.

            "Baka maduling ka niyan, Love," natatawang komento ni Xavier at nakangiting hinampas siya ni Blaire bago ulit nito ibalik ang tingin sa paru-paro.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon