41.

2.3K 38 27
                                    

All I really know, you're where I wanna go

The part of me that you will never die

--Always Remember Us This Way

Performed by Lady Gaga


           NANATILING nakaupo si Exequiel sa kanyang upuan sa kanyang opisina habang seryosong tinitingnan si Blaire na nakaupo sa mahabang couch. Pangiti-ngiti ito minsan 'pag kinakausap ito ng kanyang anak pero halatang-halata ni Exequiel ang pagod kay Blaire.

          Maski ang sekretarya niyang si Misty tinanong siya kung may sakit daw ba si Blaire dahil ang lamya-lamya nitong tingnan at mukhang pagod na pagod ito.

          Lara, being a child, didn't seem notice it at first pero no'ng magpaalam si Blaire na mag-ccr lang daw ito, biglang lumapit sa kanya ang anak at tinanong kung may sakit daw ba ang "Mommy" niya.

          Hindi niya alam kung anong nangyari no'ng nawala siya for Auckland and Bordeaux.

          Ang pagkakaalam niya nagpunta itong Silay, Negros para bisitahin ang restaurant nito ro'n at sabi naman nila Carlo sa kanya, pagbalik nito mula Silay, naging busy ito sa trabaho dahil marami itong natanggap na event and catering offers.

          "Lara?" tawag ni Exequiel sa kanyang anak na kasalukuyang naglalaro sa pad nito. Tumingin din naman ito agad sa kanya. "Why don't you go with Tita Misty to the convenience store down the road and buy yourself ice cream?"

          "Really?" excited na sagot na anak.

          Ngumiti si Exequiel, "Really." Pinindot niya ang intercom para tawagin si Misty, ang kanyang sekretarya at agad itong pumasok sa kanyang opisina.

          "Yes?" bungad nito sa kanya.

          "Can you go with Lara? Buy her some ice cream," sabi ni Exequiel.

          "Sure, Boss," sagot nito bago hawakan ang kamay ni Lara para makalabas na sila ng opisina ni Exequiel.

          Nang silang dalawa na lang ni Blaire ang matira sa loob ng opisina, agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya at pumunta sa tabi ni Blaire.

          "Wife?" tawag niya rito.

          Lumingon ito sa kanya at binigyan siya ng isang maliit na ngiti. "I have to go in ten. I have to fix some things in the restaurant," sabi nito sa kanya.

          Tumango si Exequiel pero kinabig niya si Blaire sa kanyang katawan para yakapin ang dalaga nang mahigpit. "Why do you look so tired? What's bothering you?" tanong ni Exequiel kay Blaire.

          Umiling ang dalaga at tumingala sa kanya. "I'm just tired. That's all," sagot ni Blaire.

          "You bought a ticket to Paris," biglang sabi ni Exequiel.

          "My parents told you?" tanong ni Blaire.

          Her parents. When Blaire's parents found out about everything—from her reason behind leaving Xavier and her and Xavier losing their supposed first-born child—their hearts broke for their loving only daughter.

          Hindi nila lubos maisip kung ano ang pinagdaanan nitong sakit nang mag-isa sa loob ng ilang taon. Blaire's mother, Andrea, was even confined for a night dahil hindi nito kinaya ang stress sa kanyang mga nalaman sa anak.

          But they understood why Blaire kept it all to herself. Naintindihan din ng mga ito kung bakit hindi nagsalita si Exequiel noon because it was not Exequiel's story to tell.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon