37.

2.3K 33 34
                                        

         "BA'T tulala ka?" tanong ni Exequiel kay Blaire.

         Kababalik lang niya mula sa Melbourne at itong klaseng Blaire ang kanyang naabutan. Parang wala ito sa kanyang sarili at tinanong din naman niya sila Carlo tungkol do'n, gano'n din daw ito pagbalik nito sa trabaho no'ng isang araw na hindi ito pumasok.

         Tapos himala pa na hindi ito umuuwi sa unit nito, kundi sa mismong bahay na pinagawa nito noon sa subdivision malapit sa restaurant nito.

         "Devan?" tawag niya rito nang hindi ito sumagot.

         Nagtatakang nilingon ni Blaire si Exequiel at napailing na lang si Exequiel dahil do'n. Inilapag niya ang baso ng tubig sa harapan ni Blaire at ang isang paperbag na naglalaman ng scarf na binili niya para rito.

         "What's this for?" tanong ni Blaire kay Exequiel habang tinitingnan ang laman ng paperbag at kinukuha ang box mula sa loob nito.

         "Just something I saw from a store and I thought it'd look great on you," sabi ni Exequiel at umupo sa tabi ni Blaire sa long couch nito.

         Binuksan ni Blaire ang orange na kahon at bumungad sa kanya ang isang folded pale rose-colored silk scarf.

         "A scarf?" tanong ni Blaire kay Exequiel.

         "Yes, Wife," nakangiting sagot ni Exequiel.

         Ngumiti si Blaire at inilabas niya ang scarf mula sa kahon. She unfolded it and it was a 36" x 36" pale rose silk scarf. It was Hermès' Duels Oniriques Scarf 90 designed by Pierre Marie.

         "Why?" nakangiting tanong ni Blaire.

         "I know you're not a fan of scarves, pero naisip kita bigla nang makita ko 'yan so, I immediately bought one for you," nakangiting sagot ni Exequiel. "Feeling better now?" dagdag ni Exequiel.

         Exequiel chuckled when Blaire raised an eyebrow and asked, "Are you implying that I'm materialistic?"

         "Hindi ba?" natatawang asar ni Exequiel kay Blaire.

         Blaire chuckled and said, "Whatever. Thank you for this."

         "Always. So, anong ginawa mo when I was gone? You seem tired," sabi ni Exequiel.

         Natigilan si Blaire pero agad din niyang tinago ang kung ano mang emosyong namumuo sa kanya at nginitian si Exequiel.

         Natawa si Exequiel at tumayo. "You don't have to lie to me, Devan. Pero kung ayaw mo talagang sabihin, so be it," nakangiting sabi ni Exequiel bago pumunta sa kusina ni Blaire para gumawa ng kape.

         Tumayo si Blaire at sumunod kay Exequiel.

         "And you didn't have to buy me a 20,000-worth scarf," nakangiting sabi ni Blaire nang makarating siya sa kusina.


         HINAWAKAN ni Blaire ang kamay ni Lara pagkatapos silang kapkapan sa entrance ng mall. Tumawag ito sa kanya kaninang umaga gamit ang phone ni Exequiel at pinilit siyang lumabas sila kaya heto sila ngayon.

         "What do you want?" tanong ni Blaire habang nakatingin silang dalawa ng bata sa menu ng ice cream shop.

         "Kitkat," sagot ni Lara.

         "One regular Kitkat, and one medium Double Dutch," sabi ni Blaire sa cashier at binayaran na rin niya agad iyon. "Let's go find a seat," nakangiting yaya ni Blaire kay Lara.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon