"WHERE the hell are you taking me?" asar na tanong ni Blaire kay Exequiel.
Exequiel just chuckled and opened the door for Blaire. He brought her to the roof deck of his company's building. Alalang-alala niya kasi ang sinabi sa kanya ni Blaire ilang buwan na ang nakararaan: that she wanted to go somewhere far away, and today, he'll fulfill that wish—a wish which was more of a plea.
Nagulat si Blaire isang araw nang dumating si Exequiel sa restaurant niya and asked for her to take at least two or three days break from work. Hindi siya nito tinigilan hangga't hindi siya umoo no'n kaya naman napilitan siya.
"Did you take days off work like I asked you to do?" tanong ni Exequiel.
"Oo kasi ang kulit-kulit mo," nakakunot ang noong sagot ni Blaire habang inaayos ang kanyang buhok na nagugulo dahil sa sobrang lakas ng hangin nang lumabas sila. Pero kahit talaga anong pilit ni Blaire na ayusin ang buhok niya ay nagugulo ulit ito kaya hinayaan na niya.
"Teka," pigil ni Exequiel kay Blaire.
Tumigil naman si Blaire at hinintay niya kung ano na naman ang kaartehan ni Exequiel. Nagulat siya nang hawiin nito ang buhok niya into a ponytail at kinuha ang hairband na nasa pala-pulsuhan niya.
"Lagi kong sinasabi sa'yong magpusod ka para hindi ka mairita nang ganyan eh," natatawang sabi ni Exequiel habang pinupusod nang maayos ang buhok ni Blaire.
Hindi sumagot si Blaire. Naalala niya biglang madalas na ginagawa ni Exequiel para sa kanya noon ang pagpupusod ng buhok niya. Nagluluto siya o kaya magbabasa at bigla na lang aayusin ni Exequiel ang buhok niya.
"There," sabi ni Exequiel nang matapos siya at do'n lamang nagising si Blaire sa mga ala-alang biglang dumaan sa utak niya. "Let's go?" yaya ni Exequiel.
"Are you going to push me from the top of your building?" nakakunot ang noong tanong ni Blaire.
"And why would I do that?" natatawang tanong ni Exequiel.
"I don't know. Minsan pa naman iba ang trip mo," malditang sagot ni Blaire at tinawanan ulit siya ni Exequiel bago nito inilahad ang kamay niya para hilahin siya paakyat sa isa pang hagdanan papunta sa helipad.
Nang makarating sila sa taas ay doon nakita ni Blaire ang isang helicopter na naghihintay para sa kanilang dalawa. Ito pala ang mas dumagdag sa lakas ng hangin sa tuktok ng building ni Exequiel at kaya pala kailangan niyang sumigaw nang kaunti dahil maingay.
"Seriously, where are you taking me?" tanong ni Blaire.
"We're going to Maldives," nakangiting sagot ni Exequiel.
"Wait, what?" gulat na tanong ni Blaire pero nginitian lang siya ni Exequiel.
"Ma'am Blaire," nakangiting bati ni Franz, ang head ng security team ni Exequiel, na matagal na ring kilala ni Blaire dahil kilala na niya ito simula noong magkarelasyon sila ni Exequiel.
"Careful," paalala ni Exequiel habang hinahawakan sa kamay at beywang si Blaire para tulungan itong sumakay ng helicopter.
LUMABAS si Blaire sa villa nila ni Exequiel at nagtungo sa wooden deck, which is attached to a pool and to a smaller deck that leads to the ocean, ng villa nila. Their suite is set above the waters of the Indian Ocean.

BINABASA MO ANG
You are a Part of Me
Romance"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story t...