21.

2.3K 34 19
                                        

            "BAKIT ninyo naman naisipang magliwaliw kahit isang gabi lang?" tanong ng ina ni Blaire na si Andrea kanila Blaire at Exequiel. "May kasalanan ka ba at hindi ka maka-hindi kay Exequiel, Baby?" dagdag na tanong nito kay Blaire.

            "Mommy!" natatawang saway ni Blaire sa kanyang ina.

            Exequiel smiled when he saw Blaire smile. Sa totoo lang, si Blaire ang hindi maka-hindi sa kanya. Siya pa ba? Kilalang-kilala niya si Blaire kaya alam na alam niya kung pa'no ito mapapa-oo. Kung kaya siyang manipulahin at paikutin ni Blaire simula noon, gano'n din siya kay Blaire—kaya niya ring manipulahin at paikutin si Blaire; but only for Blaire's best interests.

            Ang mahalaga lang naman para kay Exequiel ay ang kasiyahan ni Blaire.

            Napagdesisyunan ni Exequiel na dalhin si Blaire at ang mga magulang nito sa Boracay.

            Sa makalawa na ang birthday party ni Xaviell pero napakiusapan niya si Carlo na ito muna ang bahala sa restaurant ni Blaire at naintindihan din naman ni Carlo kung bakit kailangang umalis ni Blaire saglit pagkatapos nitong magbabad nang sobra sa trabaho.

            Mabuti na lang at napapayag pa ni Exequiel si Blaire na umalis.

            Isang buong linggong nilunod kasi ni Blaire ang sarili sa trabaho at buong magdamag itong nasa restaurant nito. Kahit nga papuntahin ni Exequiel ang dalaga sa opisina niya ay hindi ito pumupunta. Ikinataka na nga iyon ni Misty, ang sekretarya ni Exequiel na laging sumasalubong kay Blaire.

            But Exequiel understands. He knows what Blaire is currently going through.

            "Kung hindi ko talaga alam na bawal kayong dalawa, matagal ko nang pinalanging magpakasal na kayo," natatawang asar ng ina ni Blaire sa kanilang dalawa. "Nasa'n ba ang daddy mo at napakatagal? Kukuha lang ng pakwan eh," dagdag nito sabay alis sa upuan nito.

            Tinawanan lang ni Blaire ang ina at pinanood itong hanapin ang kanyang ama.

            "Nag-text na ba si Carlo?" tanong ni Blaire kay Exequiel na nasa kanan niya.

            "Ewan ko. Iniwan ko phone natin sa kuwarto eh," kibit-balikat na sagot ni Exequiel.

            Hinampas ni Blaire sa braso si Exequiel. "Pa'no kung biglang mag-text o tumawag 'yun and they need my help ha?" asar na sabi ni Blaire. "Minsan nga 'yung utak mo, 'wag mong iiwan sa kuwarto," dagdag ni Blaire.

            "They won't need your help. Kinausap ko na sila and as usual, they know what to do. So, let's just relax, Devan," natatawang sagot ni Exequiel habang inaakbayan si Blaire at hinahaplos-haplos sa kaliwang braso ang dalaga. "At hindi ko iniwan 'yung utak ko sa kuwarto, pero tayo puwedeng-puwedeng magkulong sa kuwarto," nakangising bulong ni Exequiel.

            "Tigilan mo 'ko," natatawang sagot ni Blaire sabay kurot sa tagiliran ni Exequiel. "Thank you," bulong ni Blaire.

            "Anything for you, Wife," nakangiting bulong ni Exequiel bago halikan ang dalaga sa noo.


            "IS everything okay?" tanong ni Blaire kay Zandro nang magkasalubong sila sa loob ng grand hall kung saan ginaganap ang birthday party ni Xaviell.

            "Kami pa ba?" natatawang sagot ni Zandro.

            Blaire chuckled at tinanggal na niya ang pagkaka-clamp ng kanyang buhok nang umalis na si Zandro. Bumagsak ang straight na buhok ni Blaire sa kanyang likod. Nagsuot kasi siya ng clamp para hindi masyadong hassle habang sinisigurado niyang okay ang mga pagkain.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon