40.

2.3K 34 13
                                    

          "GOOD afternoon, Ernest," bati ni Blaire sa sekretarya ni Xavier.

          "Good afternoon, Miss Blaire," nakangiting sagot ni Ernest sa babaeng kararating lang.

          Nakasuot lang si Blaire ng puting bestida na hapit na hapit sa katawan. Pero wala siyang kolorete sa mukha o kung ano mang iba pang burloloy sa katawan. Wala siyang ibang intensiyon sa pananamit. Talagang iyon lang ang nahugot niya sa kanyang wardrobe kanina.

          "I've brought your lunch. Si Xavier?" tanong ni Blaire.

          "He's in a meeting, Miss Blaire. Mga 1:30 p.m. pa ang tapos no'n. Pinapasabi niya na lang na iwan mo na lang po sa'kin ang lunch niya," nakangiting sagot ni Ernest.

          "Okay," nakangiting sagot ni Blaire.

          Aalis na sana si Blaire pagkaabot niya ng dalawang paperbags kay Ernest nang mapansin niya ang susi na nakapatong sa ibabaw ng counter ng lamesa ng sekretarya ni Xavier.

          Nakalagay do'n ang pangalan ng subdivision kung sa'n nakita ni Blaire ang isa pang bahay ni Xavier.

          "Miss Blaire? Do you need anything else?" biglang tanong ni Ernest sa kanya nang mapansing hindi pa siya tuluyang umaalis.

          "Actually, yes..." sagot ni Blaire at bumalik siya sa harapan ni Ernest.

          "What is it, Miss?" tanong ni Ernest.

          "This house in Admiral..." banggit ni Blaire.

          Agad namang hindi mapakali si Ernest sa binanggit ni Blaire sa kanya.

          Seryosong tiningnan ni Blaire si Ernest. "I know that you're not the right person to be asked this question, but whose house is it?" tanong ni Blaire.

          "Miss, l-like you said, h-hindi ako ang taong dapat ninyong tanungin," sagot nito.

          "Well, at least I tried, right?" nakangiting sagot ni Blaire.

          Aalis na sana si Blaire nang biglang dumating si Xaviell. Nagulat pa ito nang makita siya nito sa kompanya ng kuya nito.

          "What are you doing here?" tanong ni Xaviell.

          "Ernest called for lunch and as usual, I delivered Xavier's and his food," sagot ni Blaire.

          "Ah. Do you have time?" pigil ni Xaviell kay Blaire bago pa ito tuluyang umalis.

          "Why?" tanong ni Blaire.

          Sasagot na sana si Xaviell nang biglang mag-ring ang cellphone ni Blaire. Iniangat ni Blaire ang hawak-hawak na cellphone at nakita ang pangalan ni Exequiel na naka-flash sa screen ng cellphone niya.

          Tumingin siya kay Xaviell at sinabing, "I can call him again later. Why are you asking if I have time?"

          "Nevermind. Answer the call. Kailangan ko rin naman palang umalis," nakangiting sagot ni Xaviell.

          Tumango na lang si Blaire bilang sagot bago panoorin si Xaviell na maglakad papalayo sa kanya. Sinagot niya ang tawag ni Exequiel at sinabi lang naman sa kanya nito na aalis ito ng bansa dahil may kliyente itong susunduin sa Auckland.

          Pumunta ng parking lot si Blaire at pagkasakay na pagkasakay niya ng kanyang kotse, she called the person who can help her find out about the house in Admiral.

          Bakit nga ba hindi niya naisip tanungin ito kanina?

          "Hello? Na-miss mo 'ko agad? Nag-elevator ka lang, na-miss mo na 'ko agad," natatawang sagot ni Xaviell sa tawag ni Blaire.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon