36.

2.3K 41 22
                                    

         LUMAMIG ang mga mata ni Xavier nang maka-recover siya sa kanyang pagkagulat nang malaman niyang si Blaire ang pinagbuksan niya ng pintuan.

         Bumalik ang nabawasang sakit na naramdaman niya sa mga nalaman pa niya tungkol sa nakaraan nilang dalawa ni Blaire. Gusto niyang magmura pero kinimkim niya lang iyon. Sakit at pagkamuhi, iyon ang mga nararamdaman niya ngayon dahil kay Blaire.

         "What are you doing here?" malamig na tanong ni Xavier kay Blaire.

         "I...I don't know..." sagot ni Blaire.

          Totoo namang hindi alam ni Blaire kung anong ginagawa niya rito. Sinunod lang niya ang instincts niyang sundan ang sekretarya nito kanina. Hindi naman niya alam na ito na pala ang makikita niya.

         Pero bakit malamig ang mga tingin nito sa kanya?

         No.

         They're not just cold, they're also full of loathe.

          "Ahm—sige. A-alis na ako," nag-aalangang sabi ni Blaire.

         Tatalikod na sana siya nang maramdaman niya ang mainit na kamay ni Xavier sa kaliwang braso niya. Unti-unting humigpit ang kamay nito sa braso niya.

         "X-Xavier, why?" kinakabahang tanong ni Blaire. This is the first time he held her this way—at least when they're not in bed or whatever. She's starting to feel scared and worried at the same time.

         "Come in," malamig na sagot ni Xavier.

         Hindi nito binitawan ang braso ni Blaire at hinila nito si Blaire papasok sa bahay nito. Nagpahila naman si Blaire dahil alam niyang wala sa mood si Xavier—no. Hindi lang ito wala sa mood. Galit ito.

         Nang tuluyang marating ni Blaire ang loob ng bahay ay doon lang siya binitawan ni Xavier. Liningon niya ito sa kanyang likod at nakita na naman niya ang malalamig nitong mga mata na parang sinasabi sa kanya na maglakad lang siya.

         So, she did.

         "M-Mag-isa ka lang?" tanong ni Blaire.

         "Why are you scared?" malamig na tanong ni Xavier.

         Hindi sumagot si Blaire.

         Bakit nga ba siya natatakot?

         Tumigil sila sa isang living room. Inilibot ni Blaire ang kanyang mga mata sa living room at napansin niya may mga halaman din sa paligid. Her eyes stopped on top of the center table at nakita niya ang isang nakataob na picture frame roon.

         "Everyone's worried. Nandito ka lang pala," sabi ni Blaire.

         Naramdaman niya bigla ang dibdib ni Xavier sa kanyang likod.

         "Were you?" tanong ni Xavier at napapikit si Blaire nang maramdaman niya ang mainit na hininga ni Xavier sa kanyang batok. "Were you worried, Blaire?"

         Hindi sumagot si Blaire.

         Hindi niya nagugustuhan ang kanyang nagsisimulang maramdaman.

         She felt the familiar sensation that she felt with Xavier for years before at hindi niya iyon nagugustuhan dahil alam niyang siya ang maiiwang luhaan sa huli. She has to stop herself dahil kung hindi ay mahuhulog na naman siya at baka hindi na siya muling makabangon pa.

         "Were you worried?" ulit na tanong ni Xavier.

         Humarap si Blaire sa kanyang likod at tiningala niya si Xavier. Nakita niya ang malalamig nitong mga mata.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon