6.

2.5K 46 21
                                        

            "NAPAGOD ako, Blaire," rinig ni Blaire na sabi sa kanya ni Zandro habang naglalakad sila papunta sa kanyang sasakyan para makapunta na sa event ni Exequiel.

            Kasama ni Blaire sa event na 'yun si Zandro because she needs someone to make sure that everything is going well. Mas maganda nang dalawang pares ng mga mata ang nagmamasid kaysa sa isa lang.

            "Napagod sa?" tanong ni Blaire habang pinapanood ang paglalagay ng mga pagkain sa mga sasakyang magdadala ng mga iyon sa venue ng event ni Exequiel.

            "Lagi na lang gano'n ang sitwasyon namin. She will promise to stop using them pero magte-text at magte-text naman sa'kin 'yung makeup artist niyang gumamit na naman siya. I'm just concerned about her health," malungkot na kuwento ni Zandro.

            "Chef, okay na po," sabi ng isa sa mga catering staff.

            Tumango si Blaire at umalis na para makapunta sa kanyang sasakyan. Kasama pa rin niya si Zandro.

            "Ride with me. I'll drive," sabi ni Blaire sa kasunod niyang si Zandro. Sumunod naman si Zandro sa kanya at pareho na silang pumasok sa kotse ni Blaire.

            "I understand where she's coming from," biglang sabi ni Blaire kay Zandro habang nagsisimula nang magmaneho papalayo sa kanyang restaurant. Pala-kuwento naman kasi talaga si Zandro pero kapag tungkol sa girlfriend nito'y tahimik ito.

            And Blaire knows that Zandro badly needs advice right now dahil gano'n ang mga kaibigan niya, magkukuwento ang mga ito kapag kailangang-kailangan na ng mga ito ng advice mula sa ibang tao—most of the time her advice.

            "Naiintindihan ko rin naman pero nangako siya," malungkot na sagot sa kanya ni Zandro.

            "Think of it this way: hindi niya sinabi sa'yo na gumagamit pa rin siya because she knows that you'll be that hurt and angry. She uses them because she needs to stay up. Zandro, mahirap nga namang buong araw kang galaw nang galaw tapos dadalawang oras lang ang tulog mo sa gabi kasi diretso ka kaagad sa new location ng shooting mo or ng runway," paliwanag ni Blaire.

            Sa industry kasi na iyon, alam ni Blaire na marami talagang gumagamit ng droga.

            "Pero—" entrada na sana ni Zandro pero pinigilan siya ni Blaire.

            "She's not an addict, Zands. Anyway, her only mistake was that she made a promise," nakangiting sabi ni Blaire. "But that is not enough for you to give up on her. Fight."

            "Bakit naman kasi tanggap nang tanggap ng endorsements 'yung manager niya?" asar na tanong ni Zandro na ikinatawa naman ni Blaire.

            Nagkuwentuhan lang sila tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa makarating sila sa venue ng event ni Exequiel. May ila-launch kasing security innovation sila Exequiel ngayon. Security company kasi ang negosyo ni Exequiel at kilalang-kilala ito.

            They provide security for private properties, important people, and many more. Ngayon nama'y innovations and inventions to improve and secure security ang pinasok na isa pang aspeto ni Exequiel.

            "Nabanggit nga pala sa'kin ni Reneth kung sino 'yung kliyente natin sa buhay mo," nang-aasar na biglang sabi ni Zandro habang naglalakad sila papasok ng venue ni Blaire.

            Hindi sila mukhang mga chefs ngayon. Blaire's wearing a gray squared neckline body-fitted dress with a length that stops at least three inches above her knees, and Zandro's wearing a white polo shirt tucked in his black slacks.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon