"BLAIRE, I think that you should rest," sabi ni Reneth habang sinusundan-sundan niya si Blaire sa loob ng kusina. Hindi pa kasi ito nagpapahinga kaya nag-aalala siya sa kalusugan nito. Masyado na naman nitong nilulunod ang sarili sa trabaho.
Hindi rin kumakain nang maayos si Blaire. Kung kumain man ito, nagsasalad lang ito o kaya nama'y sandwich lang, at kahit ipagluto ito ni Carlo ay hindi nito kinakain ang pagkain at nasasayang lang.
Reneth doesn't have any idea on what happened in Xaviell's birthday, pero dahil Victorino affair iyon ay may kutob na siya—silang lahat—na may kinalaman si Xavier sa nangyari. The Blaire who left Xavier for some reason—na hindi pa rin nila alam—is back and that is all because Xavier is back in her life again.
Naiinis si Reneth dahil hindi niya lubos maisip kung bakit kinailangan pang pagtagpuin ulit sila Blaire at Xavier ng tadhana. Blaire is doing fine with Exequiel and is finally happy—or at least that's what they'd like to think.
Kahit kumakain naman kasi si Xavier sa restaurant ni Blaire sa loob ng dalawang taon ay hindi naman nagkakasalubong ang dalawa kaya bakit ngayon nama'y pinapahirapan si Blaire ng tadhana't oras?
Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung ano ang rason ni Blaire sa pag-iwan nito kay Xavier pero alam nilang may mabigat na rason si Blaire; Blaire won't leave without a fucking reason.
She's Blaire for fuck's sake.
Nakita ni Reneth, at ng mga kaibigan ni Blaire, kung pa'no mahalin ng isang Blaire Devan si Xavier kaya imposibleng walang mabigat na dahilan si Blaire para gawin ang pinakamasakit na bagay kay Xavier.
Naisip din nila Reneth minsan na baka nagkaroon ng iba si Xavier pero agad din nilang isinantabi iyon dahil hindi naman magagalit nang gano'n si Xavier kay Blaire kung ito ang may kasalanan at hindi rin naman magagawa ni Xavier na magkaroon ng iba dahil mahal na mahal nito si Blaire.
Blaire and Xavier loved each other so much, so how come things ended? Kung tutuusin nga ay relationship goals ang dalawa at compatible pa ang dalawa para sa isa't isa. It is the kind of relationship that everyone wish they had—at least once in their lifetime.
"Blaire, please," pakiusap ulit ni Reneth kay Blaire.
"Just one last plate," malamig sagot ni Blaire sa kanya habang nagple-plating.
"One last plate eh 'yan din sabi mo ten minutes ago!" inis na sagot ni Reneth.
"Please, just let me," pabulong na sabi ni Blaire pero rinig na rinig iyon ni Reneth kaya nagulat siya sa sinabi ni Blaire.
Blaire pleaded. Nakiusap sa kanya si Blaire. Nakiusap sa kanya ang kaibigan niyang madalang lang naman kung makiusap dahil nakikiusap lang naman ito 'pag hindi na talaga nito kaya o kailangang-kailangan lang nito.
"Blaire—" tawag niya rito.
"Just fucking let me be," sobrang lamig na pigil ni Blaire sa kanya.
"O-Okay," gulat na sagot ni Reneth.
Nakikiusap sa kanya si Blaire at umabot pa talaga sa puntong nagmura ito out loud. This is a different Blaire kung kaya't hinayaan na ni Reneth si Blaire habang nag-aalala pa ring sinusundan ito ng tingin at naglalakad papunta sa puwesto ni Carlo.
"Anong sabi?" tanong ni Carlo pagkalapit ni Reneth.
"Hayaan daw siya. Namura pa 'ko," malungkot na sagot ni Reneth. "Nakalimutan pa atang buntis ako. Even my pregnancy card doesn't work anymore."

BINABASA MO ANG
You are a Part of Me
Romance"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story t...