"SO that's it. Is there anything you want to add?" tanong ni Blaire kay Xavier habang nakatingin siya sa cellphone niya dahil kailangan niyang replyan agad si Reneth habang naglalakad sila around the venue hall.
"Shit!" mura ni Blaire nang muntik na siyang mabangga sa isang lamesa.
Buti na lang pinigilan siya ni Xavier sa paglalakad kaya rin siya nagulat na napamura.
"Thank you," bulong ni Blaire at tumayo siya nang maayos.
"Keep your phone first," bulong ni Xavier.
Doon lang napansin ni Blaire kung ga'no sila kalapit sa isa't isa. Both of Xavier's hands are still on her: one is on her tummy and the other is slightly on her back.
Napatingin si Blaire sa mga mata ni Xavier. He was looking at her too. Unang nag-iwas ng tingin si Blaire. She couldn't last long without feeling something for Xavier. Hindi niya kaya kasi alam niya sa sarili niyang mahal na mahal niya ito at makikita iyon ni Xavier sa mga mata niya.
Binitawan ni Xavier si Blaire and said, "Regarding your question, wala na akong kailangan pa. The event will be perfect thanks to you."
She and Xavier remained civil with each other after their "talk". Napansin din ni Blaire na hindi na malalamig ang mga tingin sa kanya ni Xavier at hindi na rin ito nagagalit sa kanya. Ni hindi nga rin ito naiirita sa kanya.
It feels nice that they're talking like this. Pero alam nilang parehong hindi pa sila tapos. Hindi rin naman mapipilit ni Xavier si Blaire. If the woman wants time, he'll give her time. Just enjoy it because it won't last, isip ni Xavier.
Tumango-tango si Blaire at bumalik sila sa paglalakad.
"Have you eaten lunch yet?" tanong ni Xavier kay Blaire.
Umiling si Blaire at nagpasalamat nang pagbuksan siya ni Xavier ng pinto para makalabas na sila ng venue hall. Sa mga nakaraang araw na naging abala siya sa pag-aasikaso sa event ni Xavier ay nando'n din si Xavier.
Nagtataka man si Blaire kung bakit mas pinili nitong samahan siya kaysa magtrabaho sa kompanya nito ay hinayaan na lang niya kasi gusto niya rin namang kasama si Xavier kahit civil lang talaga sila.
Liningon ni Blaire si Xavier dahil hindi ito sumagot.
Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa harapan nilang dalawa at sinasabayan siya sa paglalakad.
Napangiti si Blaire. She missed this. She actually can't believe na magkakasama sila ulit nang ganito, nang hindi inuungkat ang pait ng nakaraan.
She knows Xavier wants to know what she didn't want to tell him, but she's glad that he let her have her time. Sasabihin naman ni Blaire kay Xavier ang tungkol sa pagkakakunan niya eh pero hindi ngayon. Hindi pa niya kaya.
"Why are you smiling?" tanong ni Xavier kay Blaire.
"Nothing. Ikaw ba? Kumain ka na ba?" tanong ni Blaire.
Umiling si Xavier at sinabing, "I just finished a meeting before I met you here. Wala na akong oras."
Tumango-tango si Blaire at kinuha ang stub niya for the valet. Ipapakuha na niya ang kotse niya.
"What do you want to eat?" tanong ni Xavier kay Blaire habang hinihintay ang dalagang naghihintay sa lalaking kinukumpirma ang plate number na nakasulat sa stub na iniabot nito rito.
BINABASA MO ANG
You are a Part of Me
Romance"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story t...