LUMABAS si Blaire mula sa kusina. May kinse minutos pa bago magbukas ang kanyang restaurant para sa araw na ito at tinawag siya ni Florence sa labas dahil may dumating daw na package para sa kanya.
"What is it?" tanong ni Blaire kay Florence.
"Ah—Chef, ako na po pumirma roon sa receiving form. Ito po 'yung package," nag-aalalangang sagot ni Florence bago ituro ang isang vase ng mga bulaklak na nakapatong sa isa sa mga lamesa ng restaurant.
Kumunot ang noo ni Blaire at lumapit sa lamesa. She has no idea who would bring her this gorgeous vase of purple and white Tulips. Si Exequiel kaya? No. Imposibleng si Exequiel ang nagpadala nito dahil kapapadala lang nito rin nito ng mga bulaklak sa kanya kagabi.
"Blaire," rinig ni Blaire na tawag sa kanya ni Carlo. "Oh, pinadala ni Exequiel?" tanong ni Carlo nang makita ang vase ng mga bulaklak at tumayo sa tabi ni Blaire.
"I don't know," sagot ni Blaire at doon lang niya napansin ang isang maliit na puting card na nakaipit sa isa sa mga bulaklak. Kinuha niya ang card at nanlamig ang kamay niya nang makita ang pamilyar na logo sa card in bronze font.
"From whom is it?" tanong ni Carlo pero hindi sumagot si Blaire.
Binaliktad ni Blaire ang card at unang kita pa lang ni Carlo sa biglaang panlalamig ng mga mata ni Blaire ay may ideya na siya kung kanino galing ang mga bulaklak.
Ayon sa nakasulat sa card ay pinapapunta si Blaire sa address na nakasulat do'n at nakalagay din do'n na may i-o-offer sa kanilang trabaho. Paulit-ulit iyong binasa ni Blaire bago hablutin ni Carlo mula sa kanya ang card.
"Kung gusto mo, ako na lang ang pupunta," rinig ni Blaire na sabi sa kanya ni Carlo pagkatapos nitong basahin ang card.
She's torn between refusing to go because she knows that she'll be more miserable when she goes there at 'pag nakita niya ulit si Xavier and agreeing to just go to finish the business immediately nang matapos na ang ugnayan nila agad.
Ang alam niya kasi gustung-gusto na siyang layuan ni Xavier at kung maaari lang ay mawala na siya sa buhay nito. Halos isang buwan na rin niya itong hindi nakikita o kahit man lang naramdaman ang presensiya nito sa kanyang restaurant. Maski ang kapatid nitong si Xaviell ay hindi na rin nagpaparamdam sa kanya.
Parang nawala ang mga ito sa buhay niya, which was a blessing in disguise.
Pero bakit? Bakit nagbabalik na naman si Xavier?
BLAIRE took a deep breath before entering the building in front of her. Kinakabahan siya. She doesn't want to break down in front of the guy she loves. No. Kaya mo 'yan, isip ni Blaire.
Pagkapasok na pagkapasok ni Blaire sa building ay agad na may sumalubong sa kanyang isang lalaki. Yumuko ito sa kanya at hindi man lang ito ngumiti sa kanya. It was Ernest. Ito pa rin pala ang sekretarya ni Xavier.
Pinauna siya nitong maglakad at pagkapasok nila sa elevator ay katahimikan ang namutawi sa pagitan nilang dalawa. "Is he done with his meeting?" tanong ni Blaire kay Ernest.
"Yes, Ma'am. He's just waiting for you," seryosong sagot nito sa kanya.
"You're still his secretary," sabi ni Blaire kay Ernest at tumango lang sa kanya ang lalaki. Was everyone angry at her? Lahat ba ng nakapaligid kay Xavier ay galit sa kanya?
BINABASA MO ANG
You are a Part of Me
Romansa"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story t...