1.

4.4K 118 116
                                        

         "HAPPY birthday, happy birthday...Happy birthday to you," pagtatapos ng mga kasamahan ni Blaire sa trabaho sa pagkanta para sa kanya.

         She smiled and she blew the lighted candle on top of the cake that her friends and employees prepared for her surprise birthday celebration. "Thank you so much for preparing this for me," nakangiting pasalamat ni Blaire sa mga kasamahan niya.

         "Thank you so much for preparing this for me," pasalamat ni Blaire sa mga kasamahan niya.

         "It's the least we could do for you, Blaire. You always cook something special for our birthdays," sagot ni Carlo, isa sa mga chef sa restaurant ni Blaire at isa sa mga kaibigan ni Blaire. "Iniwan na rin namin 'yung mga regalo namin sa ibabaw ng table mo sa office."

         "You didn't have to give me too much. Tama naman na sa'kin 'tong cake 'no. Talagang nagluto pa kayo ng iba," nakangiting sagot ni Blaire habang tinutulungan sila Carlo sa paglalagay ng mga slices of cake sa mga platito para pagsaluhan nilang lahat.

         "Treinta ka na," biglang sabi ni Reneth, kaibigan niya rin na nagtratrabaho naman bilang pâtissière o pastry chef sa restaurant niya. Tawa na lang ang isinagot ni Blaire rito at sinamahan na niya ang mga kasamahan niyang kumain ng cake na ginawa ni Reneth para sa kanya.

         Kaya pala hindi siya masyadong pinapansin ng mga ito kanina at parang masyadong mga focused sa kanya-kanya nitong mga trabaho dahil may sopresa palang hinanda ang mga ito para sa kanya. Nagpa-birthday pakain naman na rin si Blaire kaninang tanghalian pero nagulat talaga siya nang may ganitong pahanda sila Carlo para sa kanya.

         "Saan ninyo balak pumunta ni Xavier?" tanong ni Reneth sa kanya.

         "Kung saan lang namin maisipan," natatawang sagot ni Blaire na ikinatawa ni Reneth. "But, honestly, I have no idea kung sa'n niya ko dadalhin at kung anong ibibigay niya. Okay lang naman din sa'kin kahit wala siyang ibigay at kahit hindi na kami magpunta sa kung saan."

         "Kung saan-saan din naman kayo nagpupuntang dalawa. Nag-Singapore kayo last time 'di ba? At saka si Xavier pa ba? He always has something for you kahit nga walang okasyon eh," natatawang sagot ni Reneth.

         "Exactly," natatawang sagot ni Blaire.

         "Wala pa ba kayong balak i-tie ang knot?" biglang singit ni Carlo sa kanilang usapan.

         "We'll get there, eventually. Hindi muna ngayon," nakangiting sagot ni Blaire. "We're not in a hurry."

         "Sa bagay. At saka asa namang mambababae si Xavier 'no," natatawang dagdag ni Reneth sa sinabi ni Blaire. "Mahal na mahal ni Xavier si Blaire. It's like there is no Xavier, if there is no Blaire. Same as there is no Blaire, if there's no Xavier."

         "We're not exactly two peas in a pod, Reneth, and hindi rin naman kami dependent of each other," natatawang sagot ni Blaire sa kaibigan.

         "Ilang taon na rin kayo," nakangiting sabat ni Zandro, isa pa sa mga kaibigan ni Blaire at kasamahan niya rin sa trabaho. "Was it easy?" tanong ni Zandro.

         Blaire smiled. Ano ba ang dapat niyang isagot? Madali nga bang i-maintain ang isang relasyon? Obviously, the answer is no. Lalo na sa kaso nilang dalawa ni Xavier dahil may sari-sarili silang careers na inaasikaso, and like she said, they're not dependent of each other—at least for her.

         Was their relationship perfect? No. Nag-aaway sila. Nagtatampuhan sila. Nag-aasaran at nagpipikunan. No relationship is exactly perfect, but...

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon