"XAVIER..." tawag ni Allie sa nobyo.
Humarap sa kanya si Xavier at nagpanggap na wala lang sa kanya ang nangyayari. He pretended like he's okay pero sa totoo nilalamon siya ng pag-aalala kay Blaire lalo pa't naaninag niya ang salitang "Dad" sa cellphone nito.
Alam kasi ni Xavier na hindi tumatawag ang mga magulang ni Blaire kay Blaire ng mga ganitong oras at tatawag lang ang mga ito 'pag may emergency, at kadalasan ang emergency na 'yun ay dahil sa ina ni Blaire. Sakitin kasi talaga ang ina ni Blaire at ngayong may katandaan na ito, napapadalas ata ang punta nito sa ospital.
"Xavier..." tawag ulit ni Allie sa nobyo nang hindi ito lumingon sa kanya.
Lumingon naman si Xavier kay Allie at nakita niyang napabuntong-hininga ang dalaga.
"Fine. Go with her," sabi ni Allie na para bang bigla itong nakaramdam ng pagod.
"Ako ang girlfriend mo and not her, Xavier! Matagal na kayong tapos at ako na ang karelasyon mo pero bakit parang ako 'yung dehado? Ako 'yung kulang sa atensyon? Ako 'yung hadlang sa inyong dalawa?"
"No," sagot ni Xavier nang maalala ang sinabi sa kanya ng nobya.
"Please," pakiusap ni Allie kay Xavier. "Just go with her. Okay lang," nakangiting dagdag niya. Okay lang talaga, Xavier. Just go with her. I know how important she is and her family is to you and your family, isip ni Allie.
"Really?" paninigurado ni Xavier.
Tumango-tango si Allie at sinabing, "Yes. Dali na para mahabol mo pa. I know how much you care for her family."
Hinapit ni Xavier ang ulo ni Allie at hinalikan ang dalaga sa magkabilang pisngi. "Thank you," pasalamat ni Xavier kay Allie. "I'm just...I'm really worried for Tita."
"I know. I know, Love," bulong ni Allie. "Text me kung saan ka uuwi so I can prepare dinner."
Tumango si Xavier bago tumayo. "I love you," paalam ni Xavier kay Allie.
Ngumiti si Allie. "I love you too," sagot niya sa nobyo at pinanood na niyang umalis ang lalaking mahal niya para habulin ang babaeng parang pinakamahalaga sa buhay nito.
Hindi mapigilan ni Allieng matawa nang mapait dahil si Blaire na naman ang nanalo, si Blaire na naman ang pinili nito. Kailan ba magiging ako? isip ni Allie. Pasalamat kang tukmol ka at mahal na mahal kita.
"THANK you for coming with me," pasalamat ni Blaire kay Xavier pagkalabas ni Blaire sa kuwarto ng kanyang ina. Talagang sinamahan kasi talaga siya ni Xavier kahit hindi naman nito kailangan, at sa totoo lang ay na-guiguilty si Blaire dahil iniwan nito si Allie.
"Always," sagot ni Xavier. "Kumusta raw si Tita?"
"She's okay now. Nothing serious," nakangiting sagot ni Blaire. "She's coming home rin mamaya."
"Buti naman," sagot ni Xavier.
"Pasok ka," yaya ni Blaire kay Xavier.
"Okay lang ba?" tanong ni Xavier.
Natawa si Blaire sa tanong ng lalaki. "Okay lang. Ikaw naman parang hindi mo na kilala sila Mommy," natatawang sagot ni Blaire kay Xavier.
BINABASA MO ANG
You are a Part of Me
Romance"'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them." --Blaire Devan This is a story t...