32.

2.3K 36 40
                                        

            "ANG tagal naman ng paliwanagan na 'yan," sabi ni Zandro habang pinapanood nilang dalawa ni Blaire si Exequiel na nakakunot na ang noo sa sobrang frustration na nararamdaman nito para sa kausap sa cellphone.

            "Nagselos na naman kasi," natatawang sagot ni Blaire.

            "Lagi namang nagseselos 'yun sa'yo," nakangiting komento ni Zandro. "Nga pala. Since Reneth's not going to be able to come here for a week or maybe until our baby's born, pinapasabi niyang sa bahay na lang siya magbe-bake."

            Kumunot ang noo ni Blaire at sinabing, "Anong bahay? Tell her to stop baking and take some rest instead."

            "Makulit 'yun. Don't worry though. I'll make sure that my wife and son are okay," natatawang sabi ni Zandro na ikinatawa na lang din si Blaire at natigil sila sa usapan nang tumigil na sa harapan nila si Exequiel.

            "So? How's your Sweetie?" nakangiting tanong ni Blaire kay Exequiel.

            "Okay na,"  medyo asar pa ring sagot ni Exequiel. "I swear, everyday it just gets harder."

            Kinurot ni Blaire ang pisngi ni Exequiel at sinabing, "Hayaan mo na. You always have to be patient with her. Wala ka rin namang choice kasi mahal mo naman eh." Natawa si Exequiel sa kanya kaya at napangiti si Blaire. "Tara? Let's see what I can cook for her. The only way to a girl's heart is through her stomach," sabi ni Blaire.

            Natawa si Exequiel at sinabing, "Isn't it the other way around?"

            Tumaas ang kilay ni Blaire. "Bakit? Lalaki lang ba dapat?" tanong ni Blaire.

            Nanggigigil na kinurot ni Exequiel ang ilong ni Blaire at sinabing, "I'm kidding!"

            Napatingin silang pareho sa gawi ng entrance ng restaurant.

            Hindi alam ni Blaire kung anong mararamdaman sa nakita.

            Xavier came inside the restaurant with his arm around the waist of the woman she saw in the party. Alalang-alala niya pa rin ang hitsura nito because she may not be good with names, but she's good at remembering faces. Ito si Allie. Ang girlfriend ni Xavier na nakasuot ng asul na bestida.

            Sa totoong opinyon ni Blaire, hindi bagay sa dalaga ang suot nito. Hindi sa pagiging bitter pero totoo iyon. But her opinion won't matter kasi sino ba siya? Ex lang naman siya at hindi naman siya fashion guru kundi isang chef who owns a renowned three-restaurant chain na kulang na lang mga maisama sa Seven Wonders of the World.

            Ibinalik ni Blaire ang mga mata kay Xavier at sinundan niya ito hanggang sa makarating ito sa lamesang itinuro ni Florence para sa dalawa. Xavier's not smiling pero ang nakita ni Blaire sa mga mata ni Xavier ang nagparamdam sa kanya ng matinding sakit sa dibdib—pagmamahal. Xavier loves the woman he's with. Xavier is in love with the woman he's with.

            Wala na ata talaga, Blaire. Tama na, isip ni Blaire.

            "Let's just go," yaya ni Exequiel sa kanya.

            Tumango si Blaire at nagpahila na kay Exequiel sa loob ng kanyang kusina.

            That was what Blaire saw three weeks ago, then she never heard any news of Xavier nor see him after that.


            "BLAIREtumawag 'yung supplier ng mga seafood na in-order mo no'ng isang araw," balita ni Carlo kay Blaire pagkabalik na pagkabalik niya ng kusina. Hindi muna siya pinansin ni Blaire dahil may inaayos pa itong pagpapaka-plating kaya hinayaan na muna ni Carlo at pinanood niya ang ginagawa ni Blaire.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon