35.

2.3K 39 13
                                        

            ALALANG-ALALA si Xaviell para sa kapatid. Kanina pa tumatawag si Allie sa kanilang lahat para itanong kung dumating na ba si Xavier pero ni isa sa kanila walang maisagot sa nobya ng kapatid niya dahil walang may alam sa kanila kung nasaan si Xavier.

            Limang araw na itong hindi nagpapakita sa pamilya nito, sa nobya nito, maski sa kompanya nito. Wala ni anino ni Xavier ang nakita nila.

            Kahit si Blaire ay tinawagan ni Xaviell pero maski ito ay hindi alam kung nasaan ang nawawalang lalaki. Pinag-alala pa tuloy ni Xaviell si Blaire nang wala sa oras dahil sa gago niyang kapatid na hindi man lang nagpaalam o pinaalam sa kung sino kung saan ito pupunta.

            Fuck. Hindi ba naisip ni Kuya na ang daming nag-aalala sa kanya? asar na tanong ni Xaviell sa kanyang sarili.

            "Should we call your friends already?" tanong ng ina nila Xaviell sa asawa nito.

            Nakatingin lang sa labas ng bintana ang ama ni Xaviell. Hindi man halata rito pero alam ni Xaviell na nag-aalala rin ang ama para sa kaniyang kapatid. "No. This is Xavier we're talking about. He'll come back," sagot ng ama ni Xaviell sa asawa.

            "Ano bang sinasabi mo?! Nawawala ang anak mo! Limang araw na!" paghihisterikal ng ina nila Xaviell.

            "Mom, calm down. Dad's right. This is Kuya we're talking about. Hindi iyon umaalis nang ganito nang walang malalim na dahilan. Let us just wait for him, okay? Nangyari na 'to before, right? And he came back," pagpapakalma ni Xaviell sa ina.

            Tangina mo naman Kuya, mura ni Xaviell.


            "DAPAT hindi ka muna pumasok, Blaire," nag-aalalang sabi ni Zandro sa kaibigan. "Look at the bags under your eyes. Umuwi ka muna at magpahinga."

            Umiling si Blaire at nagpatuloy siya sa pag-pleplating. Alalang-alala siya kay Xavier dahil walang may alam kung nasaan ito. Kailangan niyang abalahin ang sarili sa trabaho dahil hindi niya kayang mapirmi sa isang lugar at isip-isipin na baka may nangyaring masama kay Xavier.

            Fuck. Now I know what they all felt when I suddenly left before, asar na sabi ni Blaire sa kanyang sarili when she remembered the time she suddenly left when she found out she had a miscarriage.

            "Parang nakita ko na 'to noon," biglang singit ni Carlo because he also remembered what happened to Blaire before. Ganitong-ganito rin ang pag-aalala ni Xavier para sa nobya nito noon kaya hindi niya mapigilang isipin that the tables have turned.

            "Carlo, this is not the time," paalala ni Zandro sa kaibigan.

            "Ganito rin tayo no'ng nawala si Blaire," narinig ni Blaire na bulong ni Carlo kay Zandro.

            "Parang tanga 'to!" inis na bulong ni Zandro kay Carlo. "Blaire, umuwi ka muna—"

            "Chef Blaire..." biglang tawag ng head server kay Blaire kaya tumingin silang tatlo roon.

            "Yes?" sagot ni Blaire.

            "May naghahanap po sa inyo sa labas," balita ng head server sa dalaga.

            Tumango si Blaire at tinanggal ang apron at chef's hat niya para harapin ang taong naghahanap sa kanya. She's hoping that it would be Xavier. Sa bawat pagyapak niya sa sahig, gano'n ang pagdagdag ng pag-asa sa puso niyang si Xavier ang dumating sa restaurant niya.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon