2.

3.1K 69 53
                                    

            "HOW was your trip?" pambungad na tanong ng ina ni Blaire sa anak nang makarating ito sa kusina niya. Mukha pang blooming na blooming ang kanyang dalagitang treinta na.

            Nakangiti ang ina ni Blaire kaya alam ni Blaire na hindi ito nagtatampo sa kanya dahil tatlong araw na siyang no show sa pamilya niya para sa birthday celebration niya kasama si Xavier sa Baguio. Talaga ngang ipinagpaalam siya nang maayos ni Xavier.

            "Here are our pasalubongs for you. Alam mo ba, Mommy, nakalimutan kong bumili ng Matcha-filled marshmallows for you," sabi ni Blaire at natawa siya nang samain siya ng tingin ng kanyang ina. "'Tas si Xavier ang nakaalala. Nagulat na lang ako when he bought you one box," natatawang kuwento ni Blaire.

            "Talaga?" masayang tanong ng kanyang ina sa kanya. Blaire chuckled when she saw how her mom's eyes glistened with happiness nang ituro niya rito ang isang maliit na kahong naglalaman ng apat na malalaking supot ng Matcha-filled marshmallows.

            "Siya talaga kasi ang anak mo, Mommy," pabirong sabi ni Blaire sa ina.

            "At ikaw naman talaga ang Victorino sa inyong dalawa," natatawang sagot ni Andrea, ang ina ni Blaire, sa dalaga niyang natawa sa kanya. "So, kumusta nga ang biyahe n'yo roon?"

            "It was fun. It's not always that we have time to travel to Baguio or anywhere kaya sinagad na namin," sagot ni Blaire.

            "Ang Baguio ba talaga ang sinagad o ikaw?" natatawang tanong bigla ng pinsan ni Blaire na hindi alam ni Blaire kung saan nanggaling. Bigla-bigla na lang sumusulpot at ang mas nakakagulat pa'y nasa Maynila ito at wala sa bansang linipatan nito.

            "Why are you here?" nakataas ang kilay na tanong ni Blaire sa kadarating pa lang niyang pinsan.

            "For someone who just came home from heaven, you sure are grumpy," pang-aasar ng pinsan niya.

           "Mommy! Why is this man in our house?" asar na tanong ni Blaire sa kanyang inang kasalukuyang tumatawa pa rin dahil sa sinabi ng pinsan ni Blaire. Parang hindi nito narinig ang isang bagay tungkol sa sex life ng anak nito kung makatawa.

           "Shouldn't you still be in Melbourne?" tanong ni Blaire sa pinsan.

           "Taking a vacation is not a crime, Cousin. So? Bakit ang init-init ng ulo mo? Hindi ba naabot ni Xavier expectations mo in bed?" nang-aasar na tanong ni Michael.

             Iniabot ni Blaire ang mansanas na nasa ibabaw ng kitchen counter at inihagis iyon sa pinsan niya. "Gago! Umalis ka nga rito! Mommy tell him to leave! Malas ang dala niyan eh," asar na asar na sabi ni Blaire.

            "Pikon ka. Mayro'n ka ba? Hindi ka pa rin buntis?" pahabol na asar ng pinsan niya sa kanya.

            "Oo nga. Hindi pa ba?" tanong ng tita niyang biglang dumating sa kusina.

            Blaire rolled her eyes and said, "So, what is this? A reunion?"

            Naiirita na siya dahil kung sinu-sino ang sumusulpot sa harapan niya. Hindi man lang talaga siya in-inform ng mga mapagmahal niyang mga magulang na may mga bisita pala sila ngayon.

            Paniguradong puro asar lang na naman ang maririnig niya mula sa mga kamag-anak nila dahil treinta na siya at wala pa rin siyang balak magpakasal o magkaanak.

            What's wrong with being 30 and still unmarried? She's still young. Isa pa, hindi pa naman nagpro-propose sa kanya si Xavier. Pero sa totoo lang, kung magpro-propose sa kanya si Xavier, she won't decline.

You are a Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon