simula

180 14 7
                                    

simula

-

"Gago, girl, go muna," pagtulak sa'kin ni Fe sa pinsan ni Mark na galing raw Hawaii.

Tumili naman si Elisa sa gilid ko na nakalingkis kay Clio. "Sobrang gwapo," impit niyang sigaw na pabulong.

Nakita kong napakamot sa batok 'yung lalaki.

Pinilit kong wag magpadala pero sa sobrang kaharutan nina Fe at Elisa ay nasubsob ako papalapit dun sa lalaki.

"Hawak kamay, naglalakbay

Patungo sa ating inaasahang

Pagbitaw"

Dapat nandun kami sa harap nakikisabay sa Laluna, pero andito kami ngayon namamalimos ng kahihiyan.

"Magkatingin na may lihim

Naghihintay na may magsasabing

Ayoko na"

Sobrang nakakahiya 'tong mga kasama ko. Ang sarap pagbabatukan. Bakit naman ako ang laging ibinubugaw?

Porke't wala akong jowa? Mga bastos talaga.

"Alas-onse na ng gabi at

Ika'y hinihintay sa iyong

Pagdating"

"Mga baliw kayo," mariin kong tiningnan ang mga kaibigan ko.

Tumingin ako sa lalaki na tila ba natutuwa...?

"Sorry mga gago kaibigan ko," peke ang tawa kong sambit.

"Nang makita ko

Ang iyong mga mata

'Di ako makatingin"

He also laughed. Para siyang malambot na wolf - wolf ang costume niya. "Hindi, ayos lang."

Nginitian ko siya. "Sige, nuod lang ako dun." Itinuro ko ang stage.

"Pilit ko mang umiwas

Alam ko sa sarili ko

Damdamin ko'y 'di lilipas"

"Teka," turan niya at automatiko akong napalingon muli.

Gusot ang noo ko siyang tiningnan. "Ha?"

"Kaya, sige pa

Dahan-dahan mo na

Akong layuan

Unti-unti kong mararamdaman"

"Type ka niyang pinsan ko," sigaw ni Mark sa gilid.

Kumamot lang sa batok ulit ang lalaki.

"Alam natin sa'n to papunta

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon