16.

25 6 1
                                    

Theodore Blake (n). source of happiness ni Kate Garieggo.

"Bakit sobrang sweet?" Tanong ni Elisa pagkarating nila. Si Fe naman ay umupo sa upuang nasa harapan ko.

"Ha? Ano?" Nakakunot ang noo ko siyang tiningnan.

Para silang tanga dalawang nag hum ng tunog sa kasal. Napatingin ako sa likod ko, sa pintuan, at nakita ang mga lalaki kong kaklase na may hawak na malalaking box ng pizza ng Domino's — limang box.

"The fuck?" Agad  akong tumayo at nakita si Theo papunta sa'kin na may hawak na isa pang pizza, 'yung sakto lang 'yung laki.

"Aloha, dude," gumagalaw ang mga kilay niya at nginingitian ako. Ibinigay niya sa'kin ang pizza at bulaklak ng tulips na tinago niya pala sa likod niya.

Tinanggap ko ang mga 'yun at pinilit na ikunot ang noo at bumusangot.

"Napakaganda naman," ani niya at ginulo ang buhok ko. "Happy anniversary."

Nanlaki ang mga mata ko, nagtilian ang lahat. Mabilis ko siyang hinampas. "Hoy, gago!"

Humalakhak siya. "Joke, happy monthsary pala. Isang buwan pa lang pala. Bobo ko sa calculation."

Pinilit kong hindi tumawa at ngumiti. Pinaningkitan ko na lang siya ng mata. "Joker ka."

"Ang swerte naman kay Theo," tili ng isa kong kaklase.

Nakitili at nakiasar na ang lahat. Buti na lang break time, walang prof.

"Oy, hindi, ah." Agad sinabit ni Theo ang braso niya sa balikat ko. "Mas swerte ako dito kay Kate."

Nginitian ko naman siya. Good boy.

"Di nga lang halata," singit niya kaya kinurot ko agad. "Dude, aray," angal niya.

Tinulak ko na siya at umupo, kinuha ang pizza. "Hawaiian ba 'to?" tanong ko, gamit ang pinakamaarteng tono.

"Yes, mahal." Okey, kinilig ako. Umupo siya sa tabi ko. "Hati tayo?"

Sinimangutan ko siya. "Bakit? Asan sa'yo?"

"Wala na akong pera, eh."

Nag-make face ako. "Talaga ba?" Kelan naman 'to maghihirap kaya?

He smiled. "Joke, alis na ako. Baka sunduin na ako ng guard niyo dito."

I laughed. Kinuha ko agad ang cake na binaon ko, nag bake kasi kami nina Fe 'nung isang araw. "O, sayo na."

Ngiting-aso naman siya. "Kaya pala maswerte ako."

Tinulak ko na siya palabas. "Sige na, alis na. Ingat ka."

Tumatawa siya at nag hang-loose  sa ere. "Aloha, dude. I love you."

Nasa labas na kami ng classroom, hindi na kami maririnig ng mga kaklase ko. Humawak ako sa sentido ko. "Puta, ang landi. I love you, too."

Humalakhak siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan ako sa noo. "I love you, Kate. Happy monthsary."

I hugged back. "Happy monthsary. Aloha." Hinigpitan ko 'yung yakap. "Yung aloha na mahal kita."

Our first month was like a trial. Lagi kaming nagpapakiramdaman, like pwede bang laging mag holding hands kahit sa public? O magnakaw ng mga halik? O magsigawan ng i love you ?

Pwede bang hindi magparamdam ng isang araw? O dapat ba laging nagte-text at tumatawag? Required ba ang good morning, kain ka na, wag ka magpapagod, good night, i love you, i love you too, i love you more ?

Nangangapa kaming dalawan kung hanggang saan ang gustong level of affection na ipakita ng isa't isa.

Si Theo pala sobrang clingy. 'Yung tipong wala siyang pakialam sa ibang tao, laging may pa-surprise gifts, out of nowhere sisigaw ng ang swerte ko sa magandang girlfriend ko, laging naga-update, tapos sobrang seloso.

Pero kapag nainis na ako, joke lang daw. Okay, buti na lang cute siya.

Ako naman, clingy rin. Pero hindi ako expressive kapag may mga ibang taong nakatingin. Hindi ko nga alam kung saan kinukuha ni Theo ang confidence niya. Bahala siya, hindi naman ako naiinggit.

I am also a clingy, possessive girlfriend. Pero as much as I can, gusto ko ilugar.

Gusto ko rin 'yung narealize namin na dapat walang pressure. We just have to live happily in every moment. Masaya lang.

Pero, ayun. May lungkot din. Kasi si Theo, may situational depression. Bigla na lang ayaw niyang kumain, hindi siya makapag-focus sa ginagawa niya, biglang ayaw makipag-interact sa mga tao, tapos... biglang gusto na lang umalis.

Nagsimula raw 'nung nalaman niyang illegitimate son siya, ilang years na kaya lumalala na. 'Nung nakilala niya 'yung ama niya, gumaan, pero pinagtulakan rin siya ng mga kamag-anak niya. Tapos, nawala.

Halos tuwing madaling araw, parang biglang nawawala 'yung masiyahin kong boyfriend. Biglang nagpapakita 'yung malungkot na si Theo.  'Yung sobrang naging malungkot, 'yung naghanap ng pagmamahal ng ama.

Nagte-therapy siya. I told him to. Gusto ko siyang maayos... para sa sarili niya. Buti pumayag siya. Gusto rin raw niyang maging maayos. Nangungulila na rin siya sa dating siya.

Meron siyang dalang gamot palagi, meron rin ako para in case na nakalimutan niya 'yung dala niya.

I realized hindi palaging dapat masaya lang, may lungkot rin talaga. Ang mahalaga, matatag pa rin kayo hanggang dulo.

I kissed him on the lips. Kasi mahal ko siya. Kasi gusto kong mawala 'yung lungkot. Alam ko proseso pero sana matapos din.

Gusto ko 'yung mas angat ang saya kesa sa lungkot.

"I love you, masaya ka ba?" Tanong niya, malungkot na naman ang mga mata.

Pinaningkitan ko siya ng masaya. "Ah, sobra?" biro ko.

Pinanuod ko ang halakhak niya.

Totoo naman, masaya ako kay Theo.




This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon