10.

32 8 2
                                    

Duwag (pang-uri). mga taong binigyan na ng pagkakataong umamin pero tumanggi pa rin.

“Seryoso ka ba? Hindi ka niya sinaktan o pinagbantaan o binastos?”

Unang beses kong nakita ‘yung pag-aalala sa mukha ni Theo. Parang kapag sinagot ko ng oo ‘yung mga tanong niya ay susugurin at sasapakin niya talaga ‘yung bastos na si Andrew.

For a moment, natakot ako.

“Hindi,” iling ko. “Okay lang ako, kakatabi niya lang ‘nung pagkarating mo. Salamat.”

Napatingin siya sa taas at napairap. “Sana pala dumating ako ng mas maaga para hindi na ‘yun nakalapit sa’yo.”

Kuminto ako at ginulo ang buhok niya. “Ano ba, okay nga lang. Bakit ka pala nandito? Dapat nagre-review ka.”

Napansin kong kumalma na siya. Badtrip pa rin mukha niya, pero mas maayos na kesa kanina. Nagkibit balikat siya. “Tumawag si Mark, punta raw ako.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Ang kaladkarin mo naman pala, isang aya lang pumunta ka na agad.”

Umupo na kaming dalawa. Pinagbuksan ko siya ng San Mig. Ngumisi siya. “Inaasar ka raw nina Fe na may gusto ka sa’kin tapos ayaw mo aminin kaya sumama ka rito.”

Nahulog ang panga ko. “Ano?!” Sigaw ko. Halos maramdaman ko ang lahat ng dugo ko na umakyat papuntang pisngi ko.

Humalakhak siya. “Tapos ito pa, dude, wag ko raw sabihin sa’yo.”

Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Halos gumulong na siya kakatawa. Kanina kulang na lang manuntok siya tapos ngayon halos mawalan na siya ng hangin kakatawa. Baliw na siya.

“Tumigil muna ako sa pagre-review ko para pumunta dito. So, wag mo sasabihin sa kanilang sinabi ko sa’yo na sinabi nila sa’kin na gusto mo ako, aawayin ni Fe si Mark.”

“Ubusin mo muna tawa mo.” Wala akong ibang masabi.

Nanahimik ako sa gilid at hinintay na humupa ang tawa niya. Grabe, asan ang joke dun? Napakababaw niya naman.

Nagbukas ako ng inumin at nilaklak ito. Lagot sa’kin si Fe at ang walang hiya niyang boyfriend. Pati na si Elisa at Clio, sigurado akong alam rin nila ‘to. Sila magkakasama kanina. Kaya pala para silang mga galing sa mental hospital kung magtinginan kanina.

“Bakit nanahimik ka?” Tanong niya pagkatapos ng isang dekadang tawa.

Matiim ko siyang tiningnan. “Iniisip ko kung paano ko imi-murder ang mga nagsabi sa’yo niyan.”

Tumawa ulit siya. “Hoy, wag naman. Masyado kang seryoso, nagbibiro lang sila.”

Tiningnan ko lang siya ng masama. Hindi ‘yun biro, bobo, gusto talaga kita.

Inagaw niya ulit ang iniinuman ko. “Dude, alam ko namang hindi mo ‘ko gusto tsaka sinabihan ko na sila na wag ka na ulit asarin.” Pabiro niya akong nginitian. “Tapos alam mo ba ano sagot nila sa’kin?”

“Ano?”

“Maniwala raw ako, gusto mo talaga ako.” Bumalik na naman siya sa kakatawa.

Napapikit ako at napayuko. “Putangina niyo,” tumatawa kong mura.

“Gago, laptrip, diba?” Pula ang buong mukha niyang sambit.

Nakahawak sa batok ko siyang tinanguan at tumatawa. Laptrip sa kanila, mga bwisit sila. “Mga gago kayo.”

Nagbukas ako ng panibagong inumin. Napaisip ako. Ganun ba ka-imposible na magustuhan namin ang isa’t isa? Isang napakalaking joke?

Nagpatuloy kami sa pag-inom. Umorder siya ng mas hard drinks. Tipsy na kami nang maisipan naming sumayaw. Okay, kanina wala ako sa mood pero epekto yata ng alak – gusto ko na lang magwala sa pamamagitan ng pagsayaw.

“May tanong ako,” malakas na bulong sa’kin ni Theo.

Bumulong ako pabalik. “Shoot!”

“Gusto mo ba ako?!”

“Di ko rinig!” Pagsisinungaling ko. “Lakas ng tugtog!”

He grinned and shrugged his shoulders. Nagpatuloy kami sa pagsayaw.

Halos ayokong tumigil sa pagsayaw. Gusto ko biglang dun na lang muna sa dancefloor kahit namamanhid na ang mga binti ko at sobrang nahihilo na ako.

Tumakbo ako papuntang CR para sumuka. Nag-ayos ako ng mukha at pinilit na lumakad ng maayos, hindi pinansin ang mga naghuhubaran at nagtatalik sa paligid.

Light drink na ang iniinom ni Theo nang bumalik ako sa inuupuan namin.

“Ayos na pakiramdam mo?” Tanong niya.

Tumango ako. “Oo, medyo, nasuka ko na kasi.”

Tumango lang siya at uminom na ulit. Nagbukas ako ng sarili kong bote at uminom na lang rin.

Matagal kaming nanahimik bago ito binasag ni Theo.

“So, ‘yun nga.”

“Ha?” Nilingon ko siya.

“Wala, tanong lang ‘to. Gusto mo ba ako?”

Saglit akong nabingi at napakurap. Pinilit kong kumalma. Tinungga ko ‘yung hawak kong bote ng alak. “Baliw, paano?” Patanong kong biro.

Tumingin siya sa taas at humalakhak. “Okay, makes sense.” Tumitig siya sa’kin. “Isa pa. May chance ba na magustuhan mo ‘ko? You know, by any chances,” kibit balikat niyang tanong.

Kumuha ako ng nachos at kinalma ulit ang puso kong halos sumabog na sa loob. Lasing na nga talaga si Theo. Hindi niya na alam sinasabi niya.

“Do you say there’s no probability?”

Saglit ko siyang tiningnan pero umiwas agad ako. “Meron naman, pero parang maliit lang ‘yung tiyansa. So bale, imposible.” Pinagdikit ko ang dalawang labi ko.

Tumango-tango siya. Saglit siyang natahimik. Akala ko ayos na, tapos na ‘yung nakakahimatay niyang mga tanong.

Pero hindi pa pala siya tapos. Masyado siyang curious kapag nalalasing. Hindi na lang siya umuwi, gumawa ng flash cards at mag review.

“Eto, last na,” humahalakhak niyang sambit. Namumula na rin ang mga mata niya, pagod at gusto ng magpahinga. “Paano – paano lang naman… paano kung gusto kita?”

Napaawang ang bibig ko. Muntik akong mawala sa tamang pag-iisip pero pagka-iwas ko ng tingin ay nakita ko ang mga kaibigan namin na palapit na sa’min. “Gago, tigilan mo,” sagot ko sa kanya. Alam ko kasi imposible, lasing lang siya.

Tumayo na ako pero bigla siyang kumapit sa kamay ko. “Paano nga?”

Kumalas ako at tiningnan siyang nakayuko na.

Hindi ako aamin.

Mali pala ‘yung masyado siyang maraming ininom. Tumutunog baliw at paasa siya bigla.

“Mark, hatid mo na ‘to, nakarami masyado,” ani ko kay Mark at nauna na sa labas.

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon