41.

22 7 1
                                    

"Love is happy when it's hopeful, but sad when it's hopeless."

-

Siguro mga ilang segundo rin ang lumipas o siguro ilang minuto bago ko naramdamang niyakap ako ni Theo. Mabilis kong naramdamang bumaba ang puso ko at nagkaroon ng harang sa lalamunan ko.

His embrace lasts for seconds. That, I missed. Fuck. Ang hopeless ko. I mean, ang hopeless na namin.

"I am sorry." His voice was shaking. "I swear, walang nangyari sa'min ni Lorraine. Love, uminom kami kasi we won the proposal. Tapos imposible kasing maipanalo 'yun. And, I missed you so much and there was beer... a lot of beer. Kaya naisip kong magpakalasing."

Ginalaw ko ang kamay ko papunta sa pisngi niyang may mga tumutulong luha. Ang manly naman ni Theo pero pagdating sa'kin, ang bilis tumulo ng mga luha niya.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Galit ka ba?"

Mabagal akong tumango. "Yes and jealous," pag amin ko. There is no sense of denying it. I've been a wreck for days, I'm not gonna deny that.

"Love, hinatid kami ng kapatid niya sa apartment. I was drunk. I didn't know na doon rin sila natulog. That's just it. You can even call Lorraine or our other friends-"

I cut him off. "Okay na." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Okay na, alam ko. I know you wouldn't cheat on me. I was just so lonely, I just missed you so much kaya ako nagkaganun. Kaya biglang ayaw na muna kitang kausapin. But I know you wouldn't cheat on me. I know, okay na."

I hugged him tight. Mabilis niya itong sinuklian ng mas mahigpit pang yakap. "Are we good? Tell me we're good."

I smiled and nodded. "Diba nga dapat we have to always be in good? Kaya oo, we're good."

"No, love. I want an honest answer." He stared at me. "I want an honest answer. Are we good?"

Yumuko ako at tinitigan ang mga kamay ko. Hindi ako makasagot. Nung umalis kasi si Theo, parang mas lumaki 'yung butas na nabuo sa puso ko. It was the same emptiness I got when things between us were getting complicated... noong tuwing nawawala siya, tuwing nadidisappoint niya ako... tuwing nasasaktan ako kasi nabibigo ako... palalim 'yun ng palalim. Tapos ngayon, parang sobrang lalim na nito... nalulunod na ako.

Pinipilit ko naman. Gusto kong manaig 'yung sinasabi naming mahal namin ang isa't isa pero nalulunod talaga ako. Ano ba 'yung dapat kong gawin?

Pinunasan ko na ang luha ko bago pa man ito makawala. Ayokong umiyak. Ayoko 'yung nangyayari ngayon, 'yung nandito na nga si Theo pero may kulang pa rin... nalulunod pa rin ako sa lungkot.

"You mean we're not," pagbasag niya sa katahimikan.

Napatingin ako sa kanya. "Theo, I'm sad. Hindi ko maintindihan. Ayoko ng ganito, pero hindi ko mapigilan."

Mas humarap siya sa'kin. "What makes you sad, Kate?"

Hopeless ko siyang tiningnan. "Hindi ko ma-explain," iling ko sa kanya. "I have never been this sadness before."

"Ako ba ang nagbigay niyan, Kate?"

I just stared at him. Lumipas ang ilang segundo, napagpasiyahan kong tumango.

Siguro nga, siya ang dahilan. Sobrang lungkot ko na dahil kay Theo.

It was another moment of silence.

He spoke after seconds. "Mahal mo pa ba ako?" Ramdam ko ang takot sa boses niya. I am also scared.

My answer was almost a whisper."Mahal pa ba kita?"

Binalot kami ng tahimikan. Pareho kaming sumandal sa mga inuupuan namin, saglit na tumitig sa magkabilang bintana.

Ang hopeless.

"Hindi mo na ba ako mahal?"

Tumulo ang isang patak ng luha ko.

"You said I should never question your love for me."

Tumitig ako sa labas ng bintana malapit sa'kin. Yun nga 'yung dapat, Theo. Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit napapatanong na rin ako.

"I still don't want a break up. I love you," tahimik niyang saad.

"Why do you love me?" Wala sa sarili kong tanong. "Do you just love me because I was fixing you?"

Matagal siyang nakasagot. Para akong nabigo. Mas lalong naguluhan 'yung puso ko. "You already fixed me, Kate."

Parang malayo 'yung sagot niya. Parang kinompirma niya lang. He loves me because yes, I fixed him.

"Mahal kita, Kate."

I stared at him. "Hindi na pala tayo maayos, Theo."

"Kate," he hopelessly called.

I gulped. "Maaayos pa ba tayo?"

"Nagdududa ka na ba?" Malungkot niyang tanong.

Tumango ako.

Lumipas ang ilang segundo, napagdesisyunan kong hawakan ang isang kamay niya.

"Ayusin natin?" Umiling ako. "Ayoko rin ng break up."

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon